26 YEARS OLD na si Ava ngunit malinaw na malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga taong lumipas. Isang nakalipas na masalimuot at nakakalungkot. Naroon pa rin sa kanyang isipan ang mga pang-iinsulto, pangmamaliit, at masasakit na mga salita na binitiwan sa kanya dahil lamang sa kanyang hitsura.
Hindi niya maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ang pagtrato sa kanya ng mga tao, na para bang may nakakahawa siyang sakit na iniiwasan ng mga ito. Mabuti na lamang at nakatagpo siya ng mabubuti at tunay na mga kaibigan sa katauhan nila Alyssa at Sophia.
Sila Sophia at Alyssa ay magkababata at parehong sikat sa paaralan dahil sa taglay na maaamong mukha, katalinuhan, at angking talento. Noong una ay akala niya katulad lang ang mga ito sa iba na masusungit, mapanghusga at masasama ang ugali na kadalasang nakikita niya sa may mga magagandang mukha pero nagkamali siya dahil naging kabaliktaran iyon sa kanyang inaakala at napatunayan niya iyon sa isang pangyayari…
“Hey, here comes the ugly duckling— oh sorry! What I mean is the beast” madiin na sabi ng isang babae na seninyasan pa ang isa pang babae. Halatang may gagawin na hindi kaaya-aya.
Nakayukong naglalakad ang labing-limang taong si Ava sa hallway. Katulad ng dati sa tuwing napapadaan siya ay naririnig niya ang mga ma-aanghang na salita tungkol sa kanyang hitsura.
“Ouch!” daing niya nang madapa siya mula sa pagkakapatid.
Tinawanan siya ng mga tao na naroon dahil sa naging ekspresyon ng kanyang mukha. Lumapit ang dalawang magagandang babaeng may kagagawan ng kanyang pagkakapatid. They’re laughing evily while intently looking at here helpless position on the floor. Sa paningin niya ay tila nagkaroon ng sungay ang mga mala-anghel na mukha ng dalawa.
“Oops!” sabay takip sa bibig. “Sorry, I thought I saw a walking rug eh” wika ng isa na nagngangalang Camille.
Tumawa pa ng mas malakas si Aaliyah. “Your right nga sis e, she’s like a walking rug— a fatty, ugly, dirty one” tinignan siya nito mula sa pagkakaupo sa sahig. “Just look at that fats and that ugly oily face, full of pimples and with a thick glasses pa that look like from decades ago” marahan ngunit madiin na sabi nito. Iniyuko nalang ni Ava ang ulo dahil in any minute iiyak na siya at ayaw niyang makita ng mga ito ang kanyang umiiyak na mukha dahil baka lalo lamang siyang insultuhin ng mga ito.
“Yeah” pinameywangan siya ni Camille at inalapit ang mukha “Way, way disgusting!”
“Eew!” sabay na wika ng dalawa na nag-appear pa at nagtawanan.
“You don’t belong in this school ‘cause you’re so ugly! You know, your just ruining the name of this—” naputol ang sasabihin ni Aaliyah nang may magsalita mula sa kanilang likuran.
“If there’s any ugly here, its you two! Can you two please have at least some manners!”
Pagkarinig nila nun ay sabay silang napalingon sa bagong dating. “Sophia!” sabay na wika ng dalawang babae.
“Oh, so it’s the Jimenez siblings. I was wondering who are making a big fuss here and turned out the two of you whom by any means are heartless unmannered beings.” she paused and did a quoting sign “bullying and saying harsh words. I should have known its you two because both of you have bad stinky attitudes!” sita ni Sophia sa dalawa.
“Stay out of this Sop—”naputol na naman ang sasabihin ni Aaliyah nang dumating si Alyssa, ang president ng Student Council.
“What’s happening here?” aniya.
“Well, this two here Al is bullying Ms. Hernandez” sumbong ni Sophia dito.
“Ahh, I see” binalingan nito ng tingin ang dalawa. “You know Ms. Camille and Ms. Aaliyah Jimenez that this school prohibits bullying right? Do you want me to report this incidents to the guidance office huh?” mahinahong sabi ni Alyssa pero ang tono ay may halong pagbabanta.
“N-no, please Ms. President— it will not happen again we promise!” sabay na wika nila Aaliyah at Camille at itinaas pa ang mga kanang kamay para mangako kung pwede nga itataas din nila ang kanilang mga paa para lang hindi ituloy ni Alyssa ang banta, gagawin nila. Ayaw kasi nilang masuspende.
“Okay, madali akong kausap now go! Before I change my mind” pagbabanta na naman ni Alyssa.
Mabilis namang kumilos ang dalawa. Mabilis pa sa kidlat na nilisan ng mga ito ang lugar pero bago tuluyang umalis ay humingi muna ang mga ito ng sorry kay Ava.
“Are you okay, Ms. Hernandez?” nag-aalalang tanong nila Sophia at Alyssa habang inaaalayan siyang tumayo.
“Yes, I’m okay—” napatigil siya sa pagtayo nang kumirot ang kanyang paa. Mukhang na-sprain yata ng mapatid siya. Napaupo siya ulit sa sahig dahil sa sobrang sakit ng kanyang paa. Naalarma naman sina Sophia at Alyssa kaya tinulungan siya ng mga ito na pumunta sa School Infirmary.
Simula ng makilala niya sina Sophia at Alyssa ay nagbago na ang buhay niya. Pagkatapos ng insidenteng iyon naging kaibigan niya ang dalawa at naging sobrang malapit sa isa’t isa hanggang naging mag-bestfriends na ang turingan nila.
Tuwing naaalala niya ‘yon ay hindi niya maiwasang ngumiti dahil hindi lamang puro sakit ang naranasan niya noon at salamat iyon sa dalawang mabubuting kaibigan. Ang mga panahon na pinagsamahan nilang tatlo ang isa sa mga iniingatan niyang mga mahahalagang alaala.
Napabuntong-hininga siya ng maalala ang mga kaibigan. Na mimiss niya na ang mga ito. Ilang taon na din siyang hindi nakakauwi sa Pilipinas dahil naging busy siya sa Europa kung saan siya nagtapos ng kolehiyo at dito na rin nagtatrabaho. Ngayon, isa na siya sa mga sikat na Pattisier sa buong mundo. May naitayo na rin siyang eskwelahan para sa mga taong gustong maging pastry chief katulad niya.
Naputol ang ang kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan nang marinig niya ang kanyang cellphone na tumutunog. ‘Speaking of the devil este angel!’ Naibulaslas niya ng makita sa screen ang pangalan ni Sophia at sigurado siyang tatawag din mamaya si Alyssa.
“HELLO?”
“Hello dude! It’s me Rex.”
Napasimangot ang binata at napangunot ang noo. ‘What does this man want now?’ reklamong anas niya sa sarili.
“Napatawag ka yata,Rex? Is there any problem? Love problem perhaps?” walang gana niyang tanong. There would only two possible things why Rex would call him, it is either about work or it is about Sophia—Rex’s girlfriend whom he courted since high school. At alam niya kung bakit ito tumawag at iyon ay ang huli.
Ilang sandali pa at narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya. “Sira! Its not about Sophia… okay na kami. Grabe! I have done so many things that I thought I wouldn’t ever do just to please her, I dare to and thank god I received her forgiveness at last. Ang hirap talaga paamuhin ang isang ‘yon but my sacrifices were all worth it. Well, back to real reason why I called up. I just wanted to remind you about our school reunion this coming Saturday.”
Marahas siyang napabuntong-hininga “Rex, I have told you a lot of times that I can’t come. I’m a busy man, you know that and I still need to finish all these paper works.” angal niya.
“Yeah, yeah, yeah I know, but I’ve also told you a lot of times that you must come. Don’t you dare refuse me, man. Just set that works of yours aside, okay?”
‘Ang kulit talaga ng kumag.’ Muli ay bulong niya sa sarili.
“But—” bago pa siya makapalag ulit ay inunahan na siya ng kaibigan.
“For pete’s sake Steven! You can work on that paper works some other time. This reunion is just for one night. Makakapaghintay yang trabaho mo, tutal naman you’re the boss. Also, everyone is expecting for the appearance of the former basketball captain. So—”
“Okay! I’ll come. So stop nagging me like you’re my girlfriend.” pagsuko niya dahil kung pagpipilitan pa rin niya ang hindi pagdalo sa reunion ay tiyak na hindi siya tatantanan ni Rex. Kukulitin at kukulitin siya nito hanggang sa pumayag siya sa gusto nito.
“I’ll mark your word Steven. Bye, gotta go now. I still need to fetch Sophia. Dahil baka iba ang sumundo nun.” may halong inis ang huling katagang sinabi nito. “Make sure you’ll come this saturday or else, you’ll miss something important” at pagkasabi nun ay pinutol na nito ang linya.
Naguguluhan siya sa huling katagang sinabi ng kaibigan, “…you’ll miss something important!”
‘Ano kaya yon? Ay ewan! Ang lalaking yon talaga.’ he heave a sigh and shrugged bago muling itinuon ang atensiyon sa tinatapos na mga papeles sa kanyang mesa.
No comments:
Post a Comment