Thursday, 14 April 2011

Beauty is the Beast -CHAPTER 10-

“Anong sabi niyo po? N-nakatakas si Ava?” pag-uulit ni Steven sa sinabi sa kanya ni Mang Agustin na nakatakas raw umano si Ava sa pamamagitan nito. Paano niya gagawin yung binabalak niya? ‘Kainis naman oh!’

“Mang Agustin naman eh! Bakit naman po kayo pumayag? ‘Di niyo man lang ba naisip na may balak na tumakas si Ava?” may halong inis na sumbat ni Mariz sa matanda.

“Pasensiya na po, senyorita, senyorito. Ang sabi kasi niya may importante raw siyang tatawagan kaya pumayag po ako. Hindi ko naman po inakala na tatakas siya,” nakayukong sabi ng matanda.



“At nagpauto ka naman!”



“Mariz, stop it. Wala na naman tayong magagawa eh, nangyari na. Hindi makakatulong sa atin iyang init ng ulo mo at kakasermon kay Mang Agustin,” sabat niya.



“Ay ewan!” inis na itinaas ng babae ang dalawang kamay bilang pagsuko.



“Bahala kayo diyan basta ako matutulog na ulit!” pagkasabi nito ay nagwalk-out na ito at bumalik sa kwarto nito. Pailing-iling lamang siya habang hinahatid ng tingin ang papalayong dalaga.



“Sorry po talaga senyorito Steven.”



Binalingan niya ang matanda at nginitian. “Okay na po iyon. Nangyari na eh, wala ng magagawa kung papagalitan ko pa po kayo. Matulog na po kayo, maaga pa tayo aalis bukas. Pagpasensiyahan niyo na lang po si Mariz, may dalaw siguro kaya ganoon ka taray at kainit ang ulo.”



Samantala, si Ava naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mag-asawang Laila at Lloyd.



“Talaga? Since bata pa kayo magkakilala? Ilang taon kayong naging mag-on at saka ilang taon na kayong kasal?” manghang tanong ni Ava.



“Ang dami mong tanong ah” sabay na wika ng mag-asawa habang patawa-tawa.



“Isa-isa lang,” sabay na namang sabi ng dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at sabay ding tumawa. Nakakahawa ang tawa ng dalawa kaya natawa na din siya.



“Oo, magkababata kami. Mga 4 years rin kaming mag-on at 6 years ng kasal,” sagot ni Lloyd sa mga tanong niya.



“10 years na kaming nagsasama. My 10 years of torture and suffering,” natatawang sabat ni Laila.



“Ah ganun pala ah. Mamaya ka lang, makikita mo kung ano talaga ang torture,” tugon ng lalaki na may nakaplaster pang nakakalokong ngiti. Tumahimik naman ang katabi nito at namumula ang mga pisngi na ibinaling ang tingin sa bintana.



-PATLANG-



Nakatulog si Ava sa sobrang kapaguran. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa kakaiyak kanina at doon sa ginawa niyang pagtakas.



Kinabukasan…



“Ava, wake up! We’re here already at Manila. Saan ang bahay niyo ? Ihahatid ka na namin doon,” bungad sa kanya ni Laila. Sinabi niya dito ang address ng kanilang tirahan sa Quezon city.



“Maraming salamat sa paghatid ninyo sa akin, Lloyd at Laila. Sigurado ba kayong ayaw niyong pumasok sa loob ng bahay para mag-agahan?” tanong niya nang makababa mula sa mini-van ng mga to. Ngayon nga ay nasa harapan na siya sa main door ng kanilang bahay.



“Oo, Ava. Doon na lang kami mag-aagahan sa bahay. Baka hinahanap na kasi kami ng mga anak namin. Salamat nalang sa paanyaya,” nakangiting sagot ni Lloyd. Nagpaalam na sila sa isa’t isa, pagkatapos ay pumasok na sa loob.



“O, Ava. Napaaga ka yata ng balik? Di’ba next week pa raw ang balik mo sabi ni Sophia at Alyssa?” agad na bungad sa kanya ni Aling Lucy pagkapasok pa lang sa loob ng bahay.



“Kailangan ko na po kasing bumalik sa Europe, may problema raw po sa eskwelahan eh,” pagsisinungaling niya. “Tawagan niyo na po ang airport at ipa-book ako ng flight papuntang Europe na ngayong umaga ang alis,” dugtong niya.



“Sige. Mag-agahan ka muna, ipapahanda kita ng almusal kay Doling,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang head chef nila.



TANGHALI ng nagising si Steven dahil matagal siyang nakatulog kagabi sa kakaisip kay Ava. Pagkatayo ay agad siyang naligo at nag-agahan.



Paglabas niya ng main door ay agad niyang nakita ang isang chopper. Sa may pinto nito ay nakasandig ang nakangiting si Mariz. “Hey there sleeping head! Pinapunta ko na dito ang chopper ko para mas madali tayong makaabot sa Manila. Ang tagal mo kasing magising eh, bilisan mo na diyan at ‘wag ng tumanganga para mahabol na natin si Ava,” sabi nito.



Tumakbo siya tungo sa naghihintay na chopper. “Thank you Mariz. Your a life saver,” wika niya dito at saka nakangiting niyakap ito.



“Walang anuman, anything for you. Let’s go na po,” baling nito sa piloto ng chopper.



Nagring ang cellphone niya. Nang makita ang pangalan ni Sophia sa screen ay bigla siyang kinabahan ng hindi niya mawari. “Hello?”



“Hello Steven? Nasaan ka?” panimula nito na may pag-aalala at pagpapanic sa boses.



“I’m almost there at Manila. Is there something wrong Sop? Bakit ka nagpapanic?” sunod-sunod na tanong niya.



“Si… si” kapos ang hininga na sabi nito. Narinig na lang niya ang mga boses ng mga tao na nagsasabing tumawag ng ambulansiya. Naghung-up na ito sa kabilang linya.



Nang makatapak na ang chopper sa lupa ay mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng mga kaibigan. Tinawagan niya kanina si Rex ng maghung-up ang nobya nito sa telepono at sinabi naman nito ang kinaroroonan ng mga ito.



“Rex,” tawag niya sa nakatalikod na kaibigan. Lumingon ito at nakita niya ang malungkot nitong mukha. Ang naramdamang kaba at takot kanina ay mas lalong lumaki sa nakitang ekspresyon sa mukha nito.



“Come, follow me” paos na sabi nito sa kanya. Malungkot na naglakad na ito papunta sa karagatan at siya ay takang sumunod lang dito.



“We’re here” mahinang wika nito. Pagtingin niya sa paligid ay may sunog na mga bangkay at mga taong nag-iiyakan siyang nakita. Nag-aalalang lumingon siya sa kaibigan at walang kabuhay-buhay na itinuro nito ang bandang kaliwa.



Sinundan ng kanyang tingin ang itinuro nito at napasinghap siya sa nakita. Nakita niya si Alyssa na umiiyak sa isang katabing bangkay. “Best! Bakit mo kami iniwan? Bakit!” hindik na sigaw nito. Humagulhol na ito ng iyak. Nagpupumiglas ito ng pilit itong pinatatayo ng isang lalaking pamilyar sa kanya. He shook his head hard, hindi maaari ‘tong iniisip niya. It can’t be!



“No, David! Dito lang ako… dito lang ako sa tabi ni A-ava,” pagpupumiglas pa rin nito. Nang marinig ang pangalan ng pinakamamahal ay agad nangiligid ang kanyang mga luha. Mabigat ang mga paa na binagtas niya ang distansiyang pumapagitan sa kanila. Nang marating ang kinaroroonan ng bangkay ay nanghihina na napaluhod siya.



Ilang secondo din siyang tulalang nakatitig sa bangkay. Napahagulhol siya ng iyak at niyakap ang bangkay. “A-ava!”



Ang sigaw na iyon ni Steven ay napakalakas tulad ng pagkawasak at pagkasira ng kanyang puso. Ava was dead, the girl that he loves. He won’t accept this—never!



Naramdaman niya ang isang kamay sa kanyang kanang balikat. “No! H-hindi ito si Ava. Paano kayo nakakasiguro na si Ava nga to?” mangiyak-ngiyak na sambit niya.



“Kahit a-ako ay hindi makapaniwala noong una. Pero nang makita ko ang necklace na nasa kamay umano nito, na binigay pa ng kanyang mga magulang sa kanya ay doon ko nakumpirma na siya nga si Ava,” pahikbi-hikbing sabi ni Alyssa. “N-nagcrash ang p-plane na sinakyan niya, sabi nila technical problem daw. N-nagulat na lang k-kami nila Sophia at Rex nang tawagan kami ni Aling Lucy kanina, umiiyak at sabi na patay na raw si Ava.” pa putol-putol na dugtong nito sa paraan na parang nahihirapang huminga. Ilang secondo lang ay nahimatay ito, mabuti na lang at nasalo niya ito agad.



Kinabukasan… sa bahay ng mga Hernandez nilamay ang mga labi ni Ava. Puno ng mga kaibigan, at kamag-anak ang bahay. Maraming tao ang dumating, lahat ay mahal ito. Dumating ang ina’t ama nito kanina mula Europe. Nagwawala ang ina nito, hindi matanggap na patay na ang nag-iisang anak nito. (Please listen to when the last teardrop falls by Blaque)



Nakaupo lang siya sa lanai ng bahay ng mga ito, tulala. Hindi pa rin matanggap ang pagkamatay ng babae na kanyang minahal buong buhay niya.



“Steven, hijo. Ito nga pala yong sulat na pinabibigay sayo ng alaga ko,” malungkot na sabi sa kanya ni Aling Lucy, mapula-pula ang mga mata nito bunsod ng buong gabing pag-iyak. Wala sa sariling tinanggap niya ang sulat… umalis na ito pagkatanggap niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang sulat.



Dear Steven,



Kung nababasa mo ito, malamang ay wala na ako. Sinulat ko ito sapagkat nais kong malaman mo ang nilalaman nitong aking puso. Alam mo ba, inis na inis ako sa sarili ko ’cause even how much pains that you have caused me ay hindi ko magawang tuluyang magalit sa iyo. My heart is such a fool, it kept throbbing for you and I still loved you.



Ang panahong magkasama tayo sa isla ay isa sa mga masasayang alaala na dadalhin at pakaiingatan ko hanggang sa aking pagtanda o hanggang sa pagpanaw ko. And I’ll be happily sharing this to my child and to my grandchildren. As a bitter-sweet memories I’ll remember that days and I don’t think I can stop crying if I do so.



Patawarin mo ako kung duwag ako at hindi ko kayang sabihin sa’yo ang mga ito sa personal… pero mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko buong buhay ko at ikaw lang din ang nakasakit sa akin ng ganito. And you’ll always be. The only one that I will love forever.



Sana maging maligaya ka sa piling ni Mariz. Best wishes sa kasal niyo. Masakit man sa aking malamang ikakasal ka sa ibang babae pero kailangan kong tanggapin. And tears kept rushing to me just thinking of it. Kailangan kong tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa. I don’t know kung kailan ako makakamove-on pero kakayanin ko. Dahil ang tanging alam ko lang ay… time can only heal a broken heart. Nakaya kong gawin iyon noon at makakaya kong gawin ulit yon.



Nagpapasalamat pa rin ako sa’yo dahil kahit wala ka sa piling ko… ay hindi parin ako nag-iisa. Dahil binigyan mo ako ng isang anghel na makakapagpapaalala sa akin sa ating pagmamahalan… kahit kunwari lang. All your lies of how much you love me, of how much love, tenderness I can see to your eyes whenever you looked at me… I believed it all. I love you so much but I have to save my heart to be broken totally. I have to make a way to make it easier for me to move on. Because if I stayed there while seeing you happy with another woman, I’m afraid that I won’t have the strength to continue living anymore.



You will remain in my heart forever. You’re the reason that I lived, the you that I always wanted. And I need to forbid myself to only looked at you. I’ll go away so you can live better. Goodbye and I love you.



Yours Truly,

Ava



Nang mabasa niya ito ay naglandas na naman ang kanyang masaganang luha. Hindi lang isa ang nawala sa kanya, kundi dalawa at napakasakit noon. Mabigat ang mga paa na nagpunta siya sa kabaong ni Ava. Patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha at ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan at pighati. Niyakap niya ang kabaong and there, he weeped like a child.



“Ava!” he shouted with all the misery and his heart was shattering like a glass that have turned into pieces. Life and fate are so cruelly to him, he have waited for her for 10 years. Yes, he have been with her these past few weeks but its so short to fill that 10 years of longing and hell that he have spent those years. And now, Ava’s already dead. He raise his head bitterly at the heavens and asked why? He knew that its wrong to asked his decision… but he can’t helped it. He heart is full of misery and bitterness, and he can’t think between what’s right or wrong.



SA ARAW ng libing ni Ava… mas lalong namayani ang kalungkutan lalong-lalo na sa pamamaalam ng mga mahal sa buhay nito. Simula nang malaman niyang patay na si Ava ay walang mga gabi na hindi siya umiiyak. The sadness of the night bring back the days they had. The kisses, embraces, their fooling arounds and half-meant jokes.



Si Steven ang huling namaalam and it was a very emotional one. As he said his last farewell, he can’t help himself to remember the time where they were still in the island, those happy moments that he treasured and cherished.



“This is my farewell message to the woman whom I considered my soul mate. Ava really did a great impact in our lives… especially to me. She taught me how to love someone so deeply and care for someone more than my life. The moments that we’ve shared were the happiest moments of my life and it will remain always in my heart as a bitter-sweet memory of our love. She’s not just my bestfriend, but also my love… the water of my life—my everything,” hindi na naman niyang mapigilang bumuhos ang kanyang masaganang luha. Ang totoo’y ayaw niya pang magpaalam… hindi niya pa rin matanggap ang pagkawala nito sa buhay niya.



Humugot siya ng isang malalim na hininga. Kailangan niya ito dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang magbreakdown doon. Nang makahugot na ng sapat na hininga ay nagpaputuloy siya-



“Yam, I know wherever you are— you are happy together with our child. Hindi ko parating sinasabi sayo ‘to but I love you so much, I really do. You’re the best thing that ever happened in my life. Moving on and forgetting you would be impossible for me to do because you’ll always be in my heart…forever. I don’t know if I’ll survive without you and it will take a lifetime for me to move on. I love you now, till the very last breath of mine. This song is for you, yam…” sa tuwing naririnig niya ang kantang ito sa radio ay para siyang unti-unting pinapatay. Bawat mga lyrico ay tugma sa kanyang nararamdaman… sa kanyang paghihinagpis sa pagkawala ng babaeng naging silbing buhay niya.



“It’s so hard to lose the one you love…To finally have to say goodbye…You try to be strong but the pain keeps holdin’ on…And all that you can do is cry…Deep within your heart you know it’s time to move on…When the fairy tale that you once knew is gone”



Goodbye is really hard for him to say to the one he truly loved. He’s trying to be strong, not to breakdown, to forbid his self for this heartache but he can’t… he really loved Ava… the fairytale he knew all that was now already gone.



“When the last tear drop falls…I’ll still be holdin’ on to all of our memories…And all of what used to be…When the last tear drop falls…I will stand tall…And know that you’re here with me in my heart…When the last tear drop falls”



To his very last tear drop, he will hold on to the memories they spent together. Even silence reminds him of all the sorrow… the pain and his hopelessness. He wants to suffer in silence till he’s over her. Slowly, even though it’s impossible for him, he can let her go… and he will be his self once again.



“So now I’m alone and life keeps movin’ on…But my destination still unknown, oh yeah…Will there be a time when I’ll fall in love again? When I was meant to walk these streets alone…If there was just one wish I could be granted here tonight…It would be to have you right back by my side…”



She’s now already dead but life keeps going on. He doesn’t know if he’ll ever love again the way he loved Ava. He knew that wherever she is right now, she’s happy. And here he is, hurting… suffering… miserable. How can he forget her? How can he start over once again without her? He knows that she will never be back again… that he wont be seeing her for the rest of his life… and that is killing him slowly.



“Now it’s time for me to find my happiness again…And the emptiness from missin’ you…Will never ever end, baby”



Honestly, he can’t move on… it’s hard for him to be happy, because she is his happiness… his life. And the emptiness from missing her will never end, and he’ll feel it for as long as he lives.



Sa pakiramdam niya ay hindi na niya makakayang magpatuloy. Pero pilit niya paring nilalabanan ang sakit. Alam niya na ayaw ni Ava na nakikita siyang ganito, pero ano ang magagawa niya… mahal na mahal na mahal na mahal niya talaga ito. Na hindi niya maiwasang maging ganito ka miserable sa pagkawala nito sa buhay niya.



“Goodbye, my love, my bestfriend… I will miss you forever and I love you. This is the hardest thing I will do because I love you and this love… this is all I have.”



Ang mga linyang ito at mga salita ay napakasakit para sa kanya. Lahat ay katutuhanan…walang kasinungalingan. Mas lalo pang nag-iyakan ang mga taong nasa loob ng simbahan nang marinig ang kanyang huling pamamaalam. Bawat isa’y ramdam na ramdam ang kanyang paghihinagpis. Ang ilan ay naging saksi sa kanyang inalay na pagmamahal sa dalaga kaya alam nila kung gaano siya nasasaktan ngayon.



Dinala ang labi ni Ava sa North Cemetery at doon inilibing kasama ng iba nitong mga kamag-anak na pumanaw na.



Napakahirap na sandali na iyon sa kanya, ang makita ang kanyang mahal na inalalagay sa huling hantungan nito. She will always be a part of him and it will always be.



Nakisabay ang langit sa paghihinagpis niya. Ang ibang mga bisita ay nagsiuwian na, siya na lang ang nakatayo roon sa may puntod ni Ava. Inilibing na ito at kasamang nabaon ang kanyang puso sa hantungan nito.



Napakislot siya ng may magsalita sa likuran niya. “She won’t be happy when she’ll see you like this.” turan ng isang babae sa kanya. Paglingon niya ay parang nakakita siya ng isang anghel na bumaba sa langit. The woman is extravagantly gorgeous with angelic seducing face.



But he don’t mind the beautiful face infront of him, for him Ava is still the most beautiful woman for him. “Do you perhaps a friend of her?” malungkot niyang sabi at muli’y tinignan ang puntod ni Ava.



“Yes,” the woman said sadly. “She’s such a good friend and its so sad thinking that she’s already dead. But life must go on, Steven. I know living without her is such hell to you but I know you can surpass it. She’ll be always there at your side, guiding and protecting you,” hinawakan nito ang balikat niya. May naramdaman siyang init na nagmula sa mga kamay nito, tila nawalan ng konti ang hinanakit niya.



“I really.. don’t know if I can miss. Her death is so sudden to me and I regret not following her right away. If only I did, buhay pa sana siya,”mahina niyang sagot.



“Everything happens for a reason. Be strong Steven not just for Ava but for yourself and to all of the people whose caring and loving you. I must go now, I think you should too. Its raining hard and I’m afraid that you’ll catch a fever if you’ll keep sitting there,” and she walked away.



“Wait. What’s your name?” agap niya.



Lumingun ito sa kanya at sinabing, “Nicolette Jaime Jimenez but you can call me Nicole to make it short.” At tuluyan na itong naglakad palayo.



Hindi pa rin siya umalis doon. But in a few minutes he was not feeling well anymore. He touched his neck and found out that his burning hot with fever. His vision got blurry and the next thing he knew he was already out of his senses.



“My god, Steven!” his cousin, Mariz exclaimed horrifyingly.

No comments:

Post a Comment