Dalawang araw na ang nakakaraan simula nang makausap ni Ava ang mga kaibigan. Ngayon ay papauwi na siya sa bansang Pilipinas. Hindi alam ng mga kaibigan na ngayon ang kanyang balik dahil hindi niya naman sinabi, gusto niya kasing sopresahin ang mga ito sa malaking pagbabagong nangyari sa kanya. Naalala niya ang dalawang araw na nakaraan, nakakatawa ang mga naging reaksyon ng dalawa nang hindi niya sinabi kung kailan siya babalik. Parang nakikinita niya ang pagsimangot at pagnguso nila Sophia at Alyssa sa kabilang linya nang kausap niya ang mga ito.
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid, nakalapag na rin ang eroplanong sinasakyan ni Ava. When she set her foot on the ground, wind gently touch her face. Oh, how she miss this country! How long it has been since the last time she stepped on the Philippines? It has been almost 10 years.
Paglabas niya sa pinto ng airport ay nakita niya agad ang kanilang mayordoma na si Aling Lucia. Ito lang ang sinabihan niya na darating siya ngayong araw sa Pilipinas. Nang makita siya nito ay patakbong tinungo siya nito at mahigpit na niyakap. Close na close siya dito, simula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging sandalan niya nung mga panahong iniinsulto siya ng mga taong kung makapaghusga ay animo’y walang kapintasan at mga perpekto.
Ilang minuto rin silang nagyakapan. “Kamusta na ang alaga ko?” panimula nito.
“I’m doing good Aling Lucia” aniya, pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.
“Correction, Lucy hindi Lucia” pinameywangan pa siya nito nang sabihin ito.
Bahagyang natawa siya sa inasal ni Aling ‘Lucy’. Walang mintis talaga ang kanyang pag-tawa sa tuwing magkasama sila ng matanda. Nang umalis siya papuntang Europa noon, nagkadramahan pa sila ngunit ilang minutong matapos ang pag-iiyakan nila ay natawa siya sa naging banat nito. Dapat daw pag-uwi niya may foreigner daw siyang pasalubong dito.
“O, bakit mag-isa ka lang yatang bumalik dito?”
“Uhmm, ako lang po talaga ang bumalik dito. Sina mama kasi at papa ay nagpaiwan doon dahil magsesecond honeymoon raw ho sila. Natuwa pa nga eh dahil sa wakas makakapagsolo na silang dalawa. Biniro pa nga ako na pagbalik ko raw doon sa Europa baka nasundan na ako.” patawa-tawa niyang pahayag dito.
“Hindi naman sila senyor at senyora ang tinutukoy ko.” napangunot ang noo ni Ava. Ano ang tinutukoy ni Aling Lucy kung ganun? “Nasaan na yung foreigner na pasalubong ko? ‘Di ba sabi ko dapat pag-uwi mo may kasama kang foreigner para sa akin?” turan nito. Lihim siyang natawa, kung ganoon naalala pa rin nito ang naging banat sampung taon na ang nakalipas.
“Naku, pasensiya na po nakalimutan ko kasing ilagay sa box eh. Hayaan niyo po’t ipapapackage ko yon agad bukas” pagsakay niya sa biro nito.
Sa puntong iyon ay humalagpak na sila ng tawa. “Siya, tayo na’t magpapahinga ka pa. Matagal rin ang naging biyahe mo at siguradong may jet lag ka pa. Pedro, Juan kunin niyo na ang mga maleta ni senyorita Ava.” utos nito sa mga kasama nito.
“Pasensya na po Aling Lucy. Mauna na lang po kayo doon sa bahay. Pupuntahan ko pa po kasi sila Sophia at Alyssa eh. Dala niyo po ba yung kotse ko?”
“Oo, nadala ko tulad na rin ng bilin mo sa akin pero sigurado ka ba talagang kaya mong magmaneho? Baka kasi kung mapano ka, may jet lag ka pa naman.”
“Opo, kaya ko po. Ako pa!”
“Ay sus, itong batang ire. O siya, kung yan ang gusto mo. Lumakad ka na bago magbago ang isip ko’t hindi pa kita patuluyin sa pagpunta mo sa mga kaibigan.”
“Salamat po Aling Lucy” aniya saka halik sa pisngi nito.
SAKAY NG BMW NIYA ay tinungo niya ang kinaroroonan ng dalawang kaibigan. Narinig niya minsan sa mga kaibigan niya noon na balak ng mga ito na magtayo ng isang eleganteng high class hotel and restaurant. Ngayon nga’y isa na ang SOAVAL hotel and restaurant sa mga sikat, pinaka-tanyag, at mamahaling hotel and restaurant sa buong mundo. Dito rin natutulog at pansamantalang namamalagi ang mga dayuhan na hindi lamang basta-basta dahil mga kilala ang mga ito sa buong mundo— mga business tycoons, political members, celebrities at iba pa.
Pagtambad pa lang sa kanya ng malaking gate na patungo mismo sa nasabing hotel and restaurant ay namangha na siya. The gate was so fabulous. It’s like a palace’s gate. No wonder it’s one of the most prestigious and famous hotel and restaurant in the world. When she was driving her way to the said hotel, she can’t avoid but be amaze at the place. The pathway was surrounded by Indian trees and by exotic ornamentals coming from the different parts of the world.
Pagkatapos ng apat na kilometrong distansya sa hotel at ng gate, narating na rin niya ang establishment ng hotel. Kung humanga siya sa gate at sa pathway papunta sa establishment ng hotel ay mas higit ang naging paghanga niya nang makita mismo ang istraktura ng hotel. Parang hindi mo masasabing isang hotel iyon dahil mas nagmukha itong palasyo. Makikita rin sa likod ng hotel ang isang matayog na bundok. Nagsilbi itong magandang background na nagbigay ng mala-enchanted feeling sa bawat kliyente ng hotel.
Nang makarating sa tapat ng hotel ay pina-ubaya na niya ang kotse sa isang staff doon. Pagpasok pa lang niya sa hotel ay sinalubong na agad siya ng mainit na pagtanggap ng mga staff. Tumambad sa kanyang paningin ang isang malaking water fountain sa gitna mismo ng hotel structured with three beautiful goddess made of glass.
‘Grabe, di ko na ‘to carry ah. Napakasosyal naman ng hotel ng mga bruha’ naisaloob niya.
‘Teka isa ka rin sa may-ari ng hotel na to ah. So meaning bruha ka rin?’ bahagya siyang ngumiti nang sumagi sa isip niya to. Bagaman kasusyo siya ng dalawang kaibigan ay wala siyang gaanong alam sa internal design ng hotel.
Agad siyang tumungo sa reception para matanong na niya kung nasaan ang mga kaibigan— kung nandun ba ang mga ito sa office nila. Nang makumpirma na niya na nandun nga ang mga kaibigan ay agad siyang nag-isip ng isang alibi para makausap ang mga kaibigan na hindi man lang niya masasabi ang pangalan kung sakaling tanungin siya ng receptionist.
Sinabihan niya ang receptionist na binastos ‘daw’ siya ng isang staff ng hotel. Kaya gusto niyang personal na makausap ang mga may-ari upang magreklamo. Agad namang tumalima ang receptionist at agad tinawagan ang mga kaibigan niya. Makaraan ng ilang minutong pakikipag-usap ng receptionist sa may-ari ay binaba na nito ang telepono at pinahatid siya sa isang staff sa opisina ng mga kaibigan.
Nang marating na nila ang pinto ng opisina ay magalang na umalis ang staff na naghatid sa kanya. Pagpasok niya sa opisina ay agad tumambad sa kanya ang mga maaamong mukha ng mga kaibigan. Nakayuko ang mga ito habang busy sa pagpipirma ng mga documento. Kinatok niya ang pinto ng ika-tatlong beses upang makuha ang atensyon ng dalawa. At pagkatapos ay isinara ang pinto.
“Good noon, miss. Please have a sit.” paanyaya ni Alyssa, itinuro pa nito ang isang bakanteng upuan. Pero hindi siya tumugon bagkus nanatili pa rin siyang nakatayo doon sa may pinto.
“Okay, if that’s what you want you can remain there standing.” mataray na wika ni Sophia sa kanya. “So, let’s get straight to business. Ano po ba yung tinutukoy ninyong problema, miss?” dugtong nito.
“Ms. Ava Hernandez” aniya.
Nang marinig ang pagpapakilala niya ay agad napatayo sina Sophia at Alyssa. Kumunot ang noo ni Alyysa at nakataas naman ang isang kilay ni Sophia. Napatawa siya sa mga reaksyon ng mga ito. Alam niyang hindi naniniwala ang mga ito na siya si Ava. Oo nga pala hindi pa nakikita ng dalawa ang bagong niyang hitsura. Puro tawag at chat lang kasi silang tatlo at ni minsan hindi pinakita ni Ava ang kanyang hitsura sa tuwing nagchachat sila.
Kinuha niya ang dalawang cellphone sa bag at tinawagan ang number ng mga kaharap. Nagring ang cellphone ng mga ito at agad pinindot ang accept call button.
“Hello? Mga bruhang ‘to hindi man lang ako nakilala. It’s me Ava. In flesh alive and breathing.”
Dahan-dahang inilapag nila Sophia at Alyssa ang mga cellphone sa mesa. “Oh my God, Ava!” sabay na tili ng mga ito at patakbong tinungo siya. Tulad ni Aling Lucy ay niyakap din siya ng mga ito ng mahigpit.
“Kamusta ka na Av? Gosh, napakaganda mo na ngayon ah at ang seksing seksi.” Excited na wika ni Sophia, napangiwi ito nang sikuhin ito ni Alyssa.
“Welcome back Ava. We’re so happy that you’re finally back. Pero ikaw na ba talaga yan?” parang batang wika ni Alyssa. Sa pagkakataong ito ay si Sophia naman ang sumiko dito.
“Yeah, the one and only.” pagkatapos sabihin iyon ay parang mga sirang pinalibutan siya ng dalawa at hinanap ang nunal niya sa may batok. Nang makita ito ay nakumpirma na nga ng mga ito na siya talaga si Ava.
“Ikaw nga si Ava. We missed you so much friend.” sabi ng dalawa sabay yakap sa kanya sa may likuran.
“Kids behave” natatawa niyang saway.
“Loka! Naglunch ka na ba?” ani Sophia.
“Hindi pa. Kararating ko pa kasi galing sa biyahe eh.”
“Halika sa restaurant Ava. Kain tayo at magkwentuhan na rin tayo habang kumakain.” ani naman Alyssa.
“Sure. Common, let’s go! Gagow.” banat niya.
“Tse” sabay na sabi naman ng dalawa.
PAGBUKAS NI AVA SA PINTUAN ay natigilan siya nang may makabangga siya. Napasubsob siya sa malapad na dibdib nito. May katangkaran ito na parang sa isang basketball player at sa tansya niya ay sobra sa 6’2 feet ang tangkad nito. Feeling niya nanliit siya kahit na matangkad din siya sa height na 5’8. Sandaling nawala siya sa planet earth she felt secured, napakagaan ng pakiramdam niya sa dibdib nito na animo’y nakalutang siya sa kalawakan. Somehow, she knew that she had felt this feeling from before. Nanumbalik lang siya sa katinuan nang marinig ang pagsinghap ng dalawang kaibigan na parang nakakita ng isang multo. Akmang hihingi sana siya ng tawad dito pero nang itaas niya ang kanyang mukha para harapin ito ay natigilan siya.
My god it’s him! He is the man who had hurt her almost ten years ago. The only reason why she has to go to Europe and heal her broken heart, Steven Sandoval!
“Oh, I’m sorry.” anito.
Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili lalong-lalo na kanyang puso na parang nagwawala sa loob. Kahit na gusto niyang pagsasampalin ito.
‘Sampalin? Or you want to kiss those red kissable lips? Common, Ava. I know there’s still a part of you, who is still in love with him’ tudya ng isang parte ng utak niya. ‘No! It can’t be. I don’t love him anymore! As a matter of fact, I hate him,’ kontra naman ng isa pang parte ng utak niya. ‘Sus, denial. May proweba na nga eh. Kumakabog si heart oh. So that means, you’re still in love with him.’ depensa ng kabila.
“Shut up!” naibulaslas niya.
“Huh? I beg your pardon?” nakakunot-noong tanong ni Steven sa kanya. Patay! Kahit kailan talaga oh, pahamak si mind. “Huh? W-what I said is, I-Im sorry too.” nagkabulol-bulol niyang sagot.
“Uhm, Steven! Napadaan ka yata dito? May kailangan ka ba?” salo ni Sophia sa kanya. Lihim siyang nagpasalamat sa kaibigan dahil sinagip siya nito mula kay Steven. Kanina pa niya nararamdaman ang kanyang mga tuhod na nangangatog. Alam niyang kung matatagalan pa ang pag-uusap nilang dalawa ni Steven ay mahihimatay na siya dahil sa sobrang niyerbiyos.
“Well, I’m here because I have a lunch meeting with an important person,” tinignan nito ang pambisig na relo, binalingan na naman siya nito kaya naramdaman na naman niya ang pagwawala ng kanyang puso. “I’m sorry again, miss. Are you okay?” nag-aalalang tanong nito. Tumango na lamang siya dahil hindi niya maapuhap ang kanyang sariling boses.
“Okay then. Got to go.” anito, pagkatapos ay madali na itong lumakad. Doon na siya nakahinga ng maluwag. Damn! Why does he still have a great impact in her even it has been almost a decade since the last time she saw him? The wall she created over those years away from him, had collapsed in an instant she had seen him! Does this mean that she’s still in love with him even though he had caused her so much pain? She shook her head hard. She’s stubborn enough not to admit this realization. She hate him remember? But still some part of her is against of that idea. Argh! Love is really a complicated thing!
“Friend, are you okay? Hello?! Please come back to planet earth!” usisa ni Sophia. Naku naman, napalalim na yata ang pag-iisip niya at hindi niya napapansin ang mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan.
“Yeah, I’m okay. Don’t worry Sophia, Ava is now back in planet earth coming from planet pluto.”
“Excuse me, hindi na planet ang pluto nuh. Ayan kasi, trabaho ng trabaho kaya hindi na alam ang mga happenings of the world.” buska ni Sophia.
“Oi, I know nayman kayheyt papah-anow about the happenings of the world nuhw.” paslang-slang niyang wika sa mga kaibigan.
“Owh-ver!” ani ng dalawa. Pagkatapos ay nagtawanan sila.
“Let’s go na nga. Baka mangayayat yang si baby Sophia tayo pa ang sisihin ni daddy Rex niya” buska niya sa kaibigan.
Humalakhak si Alyssa at si Sophia naman ay marahan siyang hinampas sa balikat. “Hoy bruha, don’t forget na niligtas kita mula sa kamay ng tukso kanina ah!”
“Anong tukso?” ngunot-noo niyang tanong dito.
“Tukso. Kanina kasi parang gusto mong halikan ang lips ni Steven eh.” binigyan pa siya nito ng isang nakakalokang ngiti.
Ganun ba talaga siya ka transparent? “Kumain na nga tayo, baka kainin pa kita diyan Sophia ng buo eh” biro niya dito.
“Ay naku, change topic ang loka.” pahabol na buska na naman nito.
“Ewan ko sayo. Tayo na,” at iniwan na ang mga kaibigan. Nagkangisihan na lang ang kanyang mga kaibigan habang umiiling.
‘Kahit kailan talaga pikon’ wika ng mga ito sa mga sarili. Lumakad na ang dalawa para sabayan si Ava papuntang restaurant.
No comments:
Post a Comment