Wednesday, 13 April 2011

Beauty is the Beast -CHAPTER 4-

“Tapos na po ma’am” wika ng nag-aayos kay Ava. “Ang ganda-ganda niyo po talaga, sigurado akong maraming lalaki sa party mamaya ang maiinlove sa inyo.” hindi maiwasang komento nito. Light make-up lang ang ginawa sa kanya pero magkagayunman ay mas ikinalitaw pa ito ng likas niyang ganda. Ang kanyang buhok ay ini-french twist na nilugayan pa ng ilang hibla ng buhok at pinukulot kaya mas lalo siyang naging sophistikadang tignan.”Thanks” tugon ni Ava dito at ngumiti.




“Your welcome po ma’am. O sige po, alis na po ako.” paalam nito. Tinanguan lang niya ito bilang sagot.


Nang tuluyan ng umalis ang nagmake-up sa kanya ay pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa malaking salamin sa kanyang kwarto. Ibang-iba na talaga ang kanyang hitsura kaysa noon. Sino ba ang mag-aakala na ang dating mataba at puno ng pimples ang mukha ay isa na ngayong napakaseksi at napakakinis na ang mukha. Biglang naalala niya ang eksena nila ni Steven doon sa SOAVAL hotel and restaurant, hindi talaga siya nakilala nito. May sumilay na ngiti sa kanyang likas na mga mapupulang labi. Naisip niya na panahon na para sa paghihiganti niya dito. Paiibigin niya ito at sa huli ay iiwan ng luhaan. ‘Weh? Hindi kaya maging palpak yang plano mo at imbis na sa kanya mangyari yon ay maging kabaliktaran pa?’ tudyo ng utak niya.


Napahinto siya sa pagmumuni-muni nang kumatok si Aling Lucy sa pinto. “Hija, nandun na sa baba sina Sophia at Alyssa. Lumabas ka na diyan para makaalis na kayo.” aniya.


“Opo.” sagot niya at lumabas na ng kanyang kwarto.


Pagkababa niya ay nakita niya ang kanyang mga kapwa naggagandahang kaibigan na matiyagang naghihintay sa kanya. Si Sophia ay tinitignan ang sarili sa salamin samantalang si Alyssa naman ay nagbabasa ng magazine. Tumikhim siya upang maagaw ang atensiyon ng mga ito. Tumigil naman agad ang dalawa sa mga ginagawa.


“Wow, ang ganda natin ah… siguradong maraming lalaki ang maglalaway mamaya.” nakakalokang biro ni Sophia na ikinatawa nilang tatlo.


“Oo, lalong-lalo na si Rex” mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya sa pagkasabi nito.


“Ano ka ba Ava, ginagawa mo namang aso ang boyfriend ko” nakangusong angal ni Sophia.


“Totoo naman eh, ginagawa mong aso ang boyfriend mo– noon at sa hanggang ngayon. Mas hinigitan pa nga ang aso sa kabubuntot sa’yo e,” birong totoo ni Alyssa sa kababata. Noong high school pa kasi sila ay lage na lang nakabuntot si Rex kahit noong nanliligaw pa ito kay Sophia, mas lumala pa nga ng maging magkasintahan ang dalawa noong 1st year college sila. Tagabuhat ng mga gamit ni Sophia, tagalibre ng meryenda at kung anu-ano pa.


“Well, kung ganyan kasi kaganda ang girlfriend dapat binubuntutan talaga.” sabi ni Ava at pinisil pa ang baba ni Sophia. “Tayo na nga, baka abutin pa tayo ng tomorrow eh”


Sumakay na sila sa Mercedes Benz ng pamilya ni Ava. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin nila ang destinasyon ng kanilang school reunion.


“Ready Ava?” tanong ng dalawa sa kanya.


“Ready,” kabadong sagot niya. Pero kahit ganun, ay excited pa rin siya sa mga magiging reaksiyon ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na ang Ava na kilala ng mga ito noon ay nagbago na ng tuluyan.


Unang pumasok muna sina Sophia at Alyssa at huminto sa may pinto. Inalahad ang mga kamay sa kanya, na kanya namang tinanggap at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok pa lang niya ay narinig niya na ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.


“Hey, whose that woman with Sophia and Alyssa?” tanong ng isang lalaki sa katabi nito.


“I don’t know, pare, I don’t remember, ever seeing that girl before,” tugon naman ng katabi nito.


“She’s so dazzling and gorgeous,” sabay pang sambit ng dalawa.


Si Steven naman ay kanina pa gustong dukutin ang mga mata ng mga lalaking titig na titig sa kanyang Ava. ‘Anong iyo? Bakit pagmamay-ari mo na ba siya huh?’ sita ng isip niya. ‘Not yet, but soon I will. I won’t stop until she’s mine. Kahit languyin ko ang buong pacific ocean at tumalon sa deep sea, gagawin ko… if it means I can have her and be with her.’ determinadong sagot ng isang bahagi ng kanyang isip. ‘Sobrang kesoooo.. che! Sira ka talaga Steven! Kung gagawin mo ‘yan hindi mo pa siya makuha, namatay ka na!’


KANINA PA NAAASIWA SI AVA sa mga titig na pinupukol sa kanya ng mga tao. Mula ng pumasok sila hanggang sa pag-upo nila sa kanilang table ay ramdam na ramdam niya ang mga mapanuring mga mata na nakatingin sa kanila, lalong-lalo na sa kanya. Rinig niyang may napasinghap.


“Oh my God! I-Its Ava Hernandez,” sabi ng isang di kilalang babae. Mas lalo pang lumakas ang mga bulung-bulongan, may narinig pa nga siya na nagsasabi ng ‘Beauty is the Beast?’


Lihim siyang napangiti sa mga reaksiyon ng mga ito. Mga naguguluhang mga mukha na hindi makapaniwala na siya si Ava at batid niyang isa si Steven sa mga taong iyon. ‘Speaking of Steven, nasaan na ba ‘yon?’ tanong niya sa kanyang sarili. Pasimple niyang tinignan ang paligid para hanapin ito. Pero laking dismaya niya nang hindi niya ito nakita. ‘Ano ka ba naman Ava! Parang bumabalik ka na sa dating gawain mo eh’ reklamong sita ng isip niya.


Dati-rati noong hindi pa niya ito kinamumuhian ay palaging hinahanap ng kanyang mga mata si Steven. Bawat segundo, minuto at oras ay nais niyang masilayan ang gwapong mukha nito. Hindi kumpleto ang araw niya noon kung hindi niya ito nakikita.


Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya pero kahit mahina ito ay rinig na rinig pa rin ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Tatanungin sana siya ng mga ito kung anong problema niya nang biglang mawalan ng ilaw ang buong lugar na pinagdadausan ng party.


Naramdaman niyang may tumakip sa kanyang mukha. Nanlaban siya pero dahil sa nalanghap na gamot na nilagay sa pinangtakip sa kanya ay nawalan siya ng malay.


KANINA PA PINAGMAMASDAN NI STEVEN ang magandang mukha ng kanyang pinakamamahal na si Ava. Titig na titig siya rito na animo’y ito ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Malaki na talaga ang pinagbago ng hitsura nito pero ang pagmamahal niya dito ay hindi pa rin kumukupas, bagkus, lalo pa yatang lumalalim sa paglipas ng panahon.


“I love you so much Ava. Matagal rin akong nangulila sa’yo. Kaytagal kong hinintay ang panahon na ito na makasama’t makita ka. Kahit ano gagawin ko, mapaibig lang kita, mahal ko.” senserong wika niya sa natutulog na babae. Dumapo ang kanyang titig sa mapupulang labi nito at pagkatapos ay buong pagmamahal niyang dinampian ng banayad na halik.


NAPAKAGANDA NG PANAGINIP NI AVA. Sinabihan daw siya ni Steven na mahal siya nito at dinampian pa siya ng halik sa kanyang mga labi. Bigla siyang napadilat kahit ayaw pa niyang magising, nahihirapan kasi siyang huminga na hindi niya mawari.


Laking gulat niya nang mabungaran niya ang mukha ng pinakagwapong nilalang na nakita niya sa buong buhay niya. Napangunot ang noo niya, ‘possible kayang totoo yung panaginip ko?’ tanong niya sa kanyang sarili. Pero nang mapansin niyang nasa isang kwarto siya ay iwinaksi niya muna ang tanong at saka inis na napabangon sa kama.


“Where the hell am I?” asik niya dito.


“Hmm, as you can see your in a room sitting up on a bed and talking to me.” pamimilosopo nito. Naningkit naman ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito.


“Huwag mo nga akong pilosopohin Steven. Who gave you the right to bring me here?! I can sue you of Kidnapping! Now answer me, where the hell am I?”


“Okay okay okay..” sabi nito. Nabigla siya nang itulak siya nito pahiga sa kama at kinubabawan siya nito at inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. “Your here in my villa, in an isolated island. And—”


“And what?!” naghihimagsik ang kalooban niya. Naroon ang magkahalong inis at hindi maipaliwanag na pakiramdam na pilit niyang kinakalimutan all those years.


Inilapit nito ang mukha sa kanya na dahilan upang mag-alburoto ang kanyang puso. “And your going to be with me here for say a couple of weeks or better yet…forever.” may panunuksong sabi nito sa kanya.


“Get off of me, you brute!” pautos na sigaw niya dito. Dahil kung hindi sila aalis sa ganitong posisyon, ewan lang niya kung ano ang magagawa niya dito. Baka mahalikan niya ang mapag-imbitang labi nito. Umalis naman ito sa ibabaw niya pero bago nito iyon ay hinalikan siya nito sa kanyang noo na ikinatulala niya. Tumatawa ito nang iwan siya nitong nakatulala pa ring nakahiga sa kama. Oh boy, this would be very tough for her.

No comments:

Post a Comment