Nakatingin siya sa bintana… nakatunganga. Gulong-gulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata, tanda ng ilang gabing pagkapuyat at pagod. Ang gwapong mukha nito ay hindi na nagawang ahitan ang maliliit na tumutubong balbas. At ang damit nito ay noong isang araw pa yata suot at hindi na nakuhang magpalit pa. Sa may sahig ay nagkalat ang mga bote ng alak at mga pictures ni Ava. Napakamiserable nito.
“Steven?” untag ni Mariz dito, sanay ito na nakikita siyang malinis at hindi ganoong haggard na haggard ang anyo. Pero hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa bintana na parang may hinihintay.
“You know, Ma-an. I was really hoping that she will be back,” pumiyok siya, basag ang tinig. At kailangan niya ang ibayong pagpipigil sa sarili kung hindi ay baka umiyak siya sa harap nito.
Pero yatang pasaway ang kanyang mga luha, kahit anong pagpipigil niya ay hindi niya pa rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa tuwing naaalala si Ava. Kaya nga palagi siyang umiinom ng alak dahil akala niya makakalimutan niya ang sakit pero hindi pa rin, kahit anong gawin niya hindi niya ito malimot-limot.
“I was telling myself that this is just a nightmare… that Ava is still alive and one day, things will be back where it used to be, where me and her always laughing, playing and fighting. Na magigising na lang ako isang araw, na kasama ko siya at naglalampungan kasama ang anak namin. But its all lies, she’s no longer here and she will never come back!” sabi nito, itinukod ang mga kamay sa bintana at tumaas-baba ang mga balikat.
Napapaiyak na rin ang babae, she can see how miserable he is.
“Everywhere I go, I always see her beautiful face and I always remember our memories when we’re still together. I really, really love her,” pamiyok siya. Lumingon siya dito at parang pinipiga ang puso niya sa nakita.
“Kahit ngayon nakikita ko ang mukha niya sa’yo.”
“Steven” usal nito.
“Kahit boses niya, naririnig ko rin,” hysterical na sinabunutan niya ang sariling buhok.
Tila naiinis na ito sa kadramahan niya, para bang gusto siya nitong batukan ng pagkalakas-lakas. “Steven, ano ba! Si Ava ito!” naiinis na sigaw nito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita pa rin niya ang mukha ni Ava sa katauhan ni Mariz. Pero hindi siya pwedeng magkamali, sigurado siyang ang tinig ni Mariz ang narinig niyang tumawag sa kanya kanina. Napangunot-noo siya, hindi kaya minumulto siya nito? Nabakasan ang kanyang mukha ng takot sa realisasyong ito, wag naman sana! Matatakutin pa naman siya sa multo. Nang ngumiti ito sa kanya ay agad siyang tumakbo sa kama at itinabon ang comforter sa buo niyang katawan.
Parang tanga na inulit-ulit niya ang pagbigkas sa Our Father. Nang mawala na ang takot ay dahan-dahan niyang ibinaba ang comforter sa mukha para masilip kung nandoon pa rin ang multo. At nandoon pa nga! Nakatayo ito sa paanan at nakasaklop ang dalawang braso!
Nang makita ni Ava ang naging reaksiyon ni Steven nang makita siya ay nagtaka siya sa kinilos nito. Doon niya naalala na takot pala ito sa multo. At hindi niya ito masisisi kung napagkamalan siya bilang isang multo…nakawhole white kasi siya.
Naikwento nito sa kanya noon na ang puno’t dulo ng pagiging matatakutin nito sa multo ay ang ina nito. Dahil noong bata ito ay sinasabihan ito ng ina na pag nagpasaway ay mumultuhin ito ng namayapang lola upang turuan ng leksyon. Nang nagpasaway daw ito minsan ay nakakita ito ng isang babae na nakaputi lahat sa bintana nito. Simula nun ay hindi na ito umulit. Hindi na nito binigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang at naging isang maamong tupa. Nakakatawang isipin na sa laki ng katawan nito ay takot ito sa multo.
Umandar na naman ang pagiging pilya niya. May misyon siya ngayon at ito ay ang… takutin ito ng bonggang-bongga. ‘Bwahaha! Ang galing mo talaga Ava! You’re a genius!’ nasambit niya sa isip.
Dahan-dahan niya itong nilapitan. Nang marating ang kama nito ay umupo siya sa gilid at pang slow motion na hinawakan niya ang pisngi nito.
“Bumalik ako rito dahil hindi ako matahimik at mapanatag. Nakikita kita mula sa itaas parating umiiyak, na nagiging miserable ang buhay mo simula ng mawala ako,” sabi niya sa tinig na parang sa isang anghel talaga. Lihim siyang humingi sa itaas ng tawad sa kapilyuhang ginagawa.
“Waaah! Gusto kitang makita ulit pero hindi sa ganitong paraan! Pwede naman sa panaginip ah… bakit ito pa ang napili mo. Ava naman eh, alam mo namang matatakutin ako sa multo. Sorry na, naging pasaway ako… pero ano magagawa ko eh sa nasaktan talaga ako sa pagkamatay mo eh,” parang batang maktol nito, at nakalabi pa! Halatang nagpapacute para tantanan niya at maawa dito. Kaloka!
‘Tama na yan, Ava. Maawa ka naman diyan sa gwapong cute na yan oh. Pag inatake yan sa puso dahil sa kapilyahan mo, magiging kargo de konsensiya mo pa’ pangungunsensiya ng isang bahagi ng utak niya, na sinan-ayunan naman ng kerengkeng niyang puso.
Napabuntong-hininga siya. “Okay, okay, okay. Sorry din tinakot kita. Nagpanggap pa ako ng isang multo. Buhay ako Steven, buhay na buhay.” sabi niya.
“Weh?”
Binatukan niya ito. “Aray!” daing nito.
“O ano? Naniniwala ka ng buhay ako?” tanong niya.
“Paano ka nabuhay? Humiling ka ba sa diyos na mabuhay ka para makabalik ka sa piling ko?”
“Sira ka ba? Possible ba yun? Hindi kaya!” asik niya.
“P-pero.. nakita sa bangkay na yun ang necklace na binigay sa’yo ng mga magulang mo” hindi pa rin makapaniwalang sambit nito.
Isinaysay niya ang nangyari. Noong lulan na siya ng eroplano ay bigla na lang siyang nahilo at hindi sinasadyang nabitawan ang necklace na hawak-hawak niya, malamang may nakapulot at ito nga yung babaeng bangkay. Dahil doon sa pagkahilo niya ay hindi siya nakasakay papuntang Europe… pero napagpasyahan niya pa rin ang lumayo sa Maynila para makalimutan ang sakit nang malaman niyang ikakasal na si Steven sa ibang babae at lahat ng pinakita nito sa isla ay pawang kasinungalingan lamang. Nagreroute siya, sa halip na sa Europe ay pumunta siya sa Palawan na walang nakakaalam kahit si Aling Lucy. Nagulat na lang siya nang makita ang pangalan sa news paper na patay na siya. Kahit hindi pa siya tuluyang nakakamove-on sa pagiging broken hearted ay napagpasyahan niyang umuwi na sa Manila para liwanagin ang lahat.
Si Aling Lucy ang una niyang pinuntahan at tulad ng reaksiyon ni Steven ay ganoon din ang naging reaksiyon nito. Sinabihan niya na huwag munang ipagsabi sa iba na buhay pa siya lalong-lalo na kay Steven. Nagtaka ito kung bakit, at i-kwenento naman niya ang mga hinanakit sa matanda. At doon, kinumpirma nito na magpinsang buo daw si Steven at Mariz kaya hindi pwedeng ikasal. At para mas makumpirma ito ay pumunta siya sa bahay ni Steven para liwanagin ang lahat.
“Peace yo!” sabi nito at nagpeace sign. “Eh kasi naman desperado na talaga ako eh. Pinagselos kita para malaman ko kung mahal mo rin ako,” paliwanag nito. Hinila siya nito papuntang higaan at pinakubabawan siya. At walang sabi-sabing inangkin ang kanyang mga labi, mapusok iyon at napakainit puno ng pangungulila at mapagparusa na kanya namang tinugon. Hindi niya namalayan na unti-unti na pala nitong tinatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang kilid ng kama.
Nang matigil ang kanilang paghahalikan ay kapwa na sila kapos ng hininga. Agad naman nitong binalingan ng tali ang kanyang mga paa noong una ay nagpumiglas siya pero sinabi nito na pag patuloy nitong ginagawa iyon ay baka maapektuhan ang baby kaya tinigil na lang niya..
“Ano ang ginagawa mo Steven? Bakit mo ako tinali?” tanong niya kapagkuwan.
“Hindi ba obvious? Re-rape-in kita,” sagot nito na may naglalarong kapilyuhan sa ngiti nito. Nang tinignan niya ito ng masama ay agad itong tumawa. “Joke lang… actually, parusa mo ito. Aba’y muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mong kapilyuhan kanina ah.. its my turn now. At para hindi ka na rin makatakas muli,” bawi nito sa sinagot kanina. At tulad noong nasa isla sila ay sinayawan na naman siya nito ng ala macho dancer. Nakakaloka!
“Wahhhh! Steven itigil mo yan, nakabuo na tayo kaya itigil mo yan. Baka mademonyo ako’t ikaw ang ma-rape ko,” sigaw niya. Tumawa ito sa sinabi niya.
Pero patuloy pa rin ito sa paggiling at pagtutukso sa kanya. Abay nagustuhan yata yung sinabi niya! “Mas mabuti nga yun, baka makadalawa pa tayo,” pilyong wika nito.
“Yun na nga eh, nakadalawa ka na! At wala akong balak na maging tatlo tong nasa sinapupunan ko,” tumigil naman ito sa paggiling at tuwang-tuwa na niyakap siya.
“Talaga? As in, kambal ang anak natin diyan sa maliit mong tiyan?”
“Loko-loko! One month pa kaya ito kaya maliit pa.”
“Oh my God, this is such a wonderful news! Thank you Ava, I love you so much!” tuwang-tuwang sabi nito.
“I love you too,” tugon niya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Pero tila ayaw lang nito ng smack lang, kinabig siya nito at muling inangkin ang kanyang mga mapag-imbitang labi. At muli, dinala siya ng lalaki sa isang lugar na ito lamang ang nakadadala sa kanya roon. Sumabay na siya sa saliw ng musika na sila lamang ang nakakarinig, kasabay ng malalakas na tibok ng kanilang mga puso.
“Aba, iba na talaga pag masamang damo. Ang tagal mamatay,” sabi ni Sophia ng ikwento niya ang tunay na nangyari sa kanya. Binatukan ito ni Alyssa sa sinabi nito.
“Ikaw talagang matakray ka, pasalamat nga tayo at buhay si Ava. Yan pa ang sasabihin mo, ano kang klaseng kaibigan?” litanya ni Alyssa dito.
“Ikaw ding buntis ka, nabuntis ka lang ginaganito mo na ang beauty ko. Binabatukan mo na ako, sino nagturo nun sa’yo para maturuan ko na ng leksyon,” sagot nito. Tatlong linggo ng buntis si Alyssa sa asawa nitong si David at si Sophia ang kawawang nalihian nito. Nagtawanan sila sa kakulitan ng dalawa.
“Steven! Ano na naman to? Sopresa na naman nuh?” nakatawang sambit ni Ava sa kasintahan. Isang linggo na silang mag-on at ang bawat araw na magkasama sila ay napakasaya sa kanya. Puno ng kulitan at pagmamahal.
“Huwag ka ngang excited diyan. Parating na tayo doon, maghintay ka lang ng konti,” sagot nito. Ilang minuto rin silang lulan ng chopper ni Steven nang marating na nila ang lugar ng sopresa ni Steven ay inalayan siya nito pababa. “Nandito na tayo. Diyan ka lang ah, ‘wag kang aalis,” sabi nito.
Ilang sandali pa ay pumailanglang sa paligid ang isang musika. Tinanggal niya ang piring at nakita niya si Steven nasa intablado may kasamang isang sikat na banda na paborito niya. At ito ang kumakanta! Ang sweet talaga, sobra! ‘Ayiih! Ang ganda ng boses! Lalo akong naiinlove sa mokong na ito.’
I wanna make you smile
Whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you
I’ll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,….
I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.
Pagkatapos ng kanta ay maluha-luha na siya. Ito na ba ang pinakahihintay niya? Kung ganoon nga, siya na yata ang pinakaswerteng babae sa mundo sa oras na ito.
“Please look above the sky yam,” sabi nito habang ang titig ay puno ng pagmamahal. O kay saya niya sa tuwing tinitignan siya nito ng ganoon… feeling niya siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Sinunod niya ang sinabi nito, tinignan niya ang kalangitan at nakita niya ang isang banner na may nakataling kalapati sa magkabilang gilid. Ang nakasulat ay… “I wanna grow old with you yam. Will you.. carry me?” nadismaya siya dahil hindi marry you ang nakalagay. ‘Ayp! Okay na sana eh, may carry-carry you pa tong nalalaman. Duh?! Hindi kita ma carry nuh! Sa laking mong yan ang bigat mo kaya,’ gusto niyang isatinig ito kaso naisip niyang wag na lang dahil baka pagtawanan lang siya nito.
Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Binigyan siya nito ng three red roses na ikinaparty ng kanyang puso. “Will you carry my heart forever and replace C with M in that word?” tanong nito, lumuhod ito at may kinuhang maliit na pulang kahon mula sa bulsa nito. Binuksan nito ang nasabing kahon at tumambad sa kanya ang isang singsing.
“Sinadya ko pang pinagawa to para maging isa lang to sa mundo tulad mo na nag-iisa lang sa puso ko,” pinaghiwalay nito ang singsing, tatlo pala iyon na pinagsama lang para makabuo ng isang singsing at isang unique na design. “This is us two,” sabi nito at itinuro ang dalawang singsing na may disenyong kamay. “And this is the love that we’ll be holding on, forever” at itinuro ang singsing na nasa gitna na may hugis puso. Pinagsama nito ang singsing at muli siyang tinanong.
“So, will you marry me Ms. Ava Hernandez? I can’t promise you a perfect life with me and I can’t promise you a perfect marriage either… there is only one thing I promise you and that is, I will love you till my last breath.”
“No,” mahinang tanggi niya sa proposal nito pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito nakaligtas sa pandinig nito. Kita niya ang pagrehistro ng pagkadismaya sa gwapong mukha nito at ang mata nito ay malungkot na nagsasabing ‘bakit?’
“Joke lang, eh kasi naman kanina eh, sinabi mo sa banner na carry you, aba’y bonggang-bongga ang pagkadismaya ko nang mabasa ko ‘yon nuh,” agad niyang bawi sa sinabi kanina.
“Ang dami mong satsat, isang tanong, isang sagot… pakakasalan mo ba ako? Dahil kung hindi nandiyan naman sila NItz, Agatha, Joydhie, Joy Kayla, Meica, Merly, Brook, Leezy, Myrrh, Clay at Glo,” sabi nito sa boses na parang naiinis pero alam niyang nagbibiro lang ito.
“Sino naman ‘yon?” pagsakay niya sa biro nito.
“Chicks ‘yon, ang gaganda at ang se-sexy. So ano na?”
“Kahit naman hindi ang isasagot ko, hindi mo pa rin ako tatantanan hanggang sa hindi ako umu-oo. Kaya oo na, pasasakal este pakakasal na ako sa’yo,” nakangiting sagot niya.
“Napipilitan ka lang naman siguro eh,” pagmamaang-maangan nito at tumayo na mula sa pagkakaluhod.
“Sabi ng oo eh!” kinuha niya ang singsing sa kamay nito at isinuot sa palasingsingan niya. ” Hindi na ako magpapakipot nuh! Mga bigatin kaya ang mga kalaban ko,.”
Tumawa ito ng pagak. “Ganyan dapat, kung ganyan ka parati, di walang gulo,” sabi nito sa pagitan ng pagtawa.
“Tse! O ano, kailan ang kasal?”
“Bukas”
Napamulagat siya ng mata. “B-bukas? Ang bilis naman yata, kakaengage lang natin ngayon ah. Paano ang mga preparations and everything?”
“Ayaw mo nun, wala ka nang magiging kaagaw sa pwesto bilang asawa ko,” tumawa pa ito. ‘Harhar, funny. Pagbuholin kita diyan eh,’ sarkastikong sabi niya sa isip. “Okay serious na’to, ayaw ko kasing may makaagaw pa sa yam ko kaya sasakalin este pakakasalan na kita. At huwag na po kayong mag-alala sa mga preparations and everything dahil nakahanda na ang lahat. Si Mariz mismo ang nagplano,” paliwanag nito.
“Ibig sabihin yong narinig kong kasal na pinag-uusapan ninyong dalawa noong nasa isla tayo, ay kasal pala natin?” amuse na tanong niya.
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Opo, kaya nga umalis ka noon at muntik ng mapalagay sa kapahamakan.”
“Sorry na nga.”
“Halika nga dito,” at niyakap siya. “Okay na ‘yon ang mahalaga ay ligtas kayo ng mga anak natin at buhay na buhay.” at hinalikan siya nito sa noo.
GINANAP ANG KANILANG engrandeng kasal sa Isla Steva Hersan. Ang isla na puno ng kanilang mga masasayang alaala, sa lugar na kung saan sila muling naging magkaibigan at nabuo ang kanilang magiging supling. Sa may baybayin sila… naroon ang kanilang mga kaibigan, kapamilya, at kapuso… lahat nakaputi.
Ang saya-saya niya habang naglalakad sa kulay puti na de-carpeted na buhanginan. Kitang-kita niya si Steven, ang kanyang groom na naghihintay sa may altar. Gwapong-gwapo ito sa suot na kulay puti na polo, nakabukas ang dalawang butones dahilan upang malantad ang dibdib nito. Hunk na hunk, yummy! ‘Mag hunos dili ka Ava! Hindi pa nga natatapos ang kasal, honeymoon na agad ang iniisip mo.” sita ng isip niya.
Narinig sa paligid ang malamyos na mga tinig ng mga singer na sina Nicole at Mariz… dinuduet ang kantang Sayo Lamang ng MYMP. Nang malapit na siya sa altar ay di-sinasadyang natapilok siya na sanhi ng pagkatumba niya, syempre came to the rescue naman ang kanyang prince charming. Patakbong nilapitan siya nito at inalayan patayo. Imbes na mahiya dahil sa nangyari ay kinilig pa ang loka. Sabay silang dalawa na nagpunta sa altar. From there, hindi na niya matandaan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Namalayan na lang niya na nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigawan ng: “Kiss! Kiss!”
“Well, I just pronounced you man and wife. You may now kiss your beautiful bride, Steven. What are you waiting for?” nakangiting wika ng paring nagkasal sa kanila.
Binulungan muna siya nito. “You look very beautiful, my dear wife. I LOVE YOU.” wika nito, sinabi din niya ang three magical words at hinalikan na siya nito.
LIMANG taon na ang nakalipas pagkatapos ng naging kasal nila. Masayang-masaya siya habang binabaliktanaw ang nangyari sa kanilang dalawa ni Steven. Ngayon nga ay nasa isla sila ni Steven kasama ay kanyang kambal na babae at lalaki na pinangalanan nilang Steva Laurice at Hersan James na alinsunod nila sa pangalan ng isla.
“Mommy! Mommy! Aunt Nicole and Uncle Simon are fighting again,” sabay na sumbong ng kambal. Napailing na lang siya, simula ng magkita ang dalawang iyon ay palagi na lang nagbabangayan. Parang aso’t pusa, kahit maliliit na bagay pinag-aawayan.
“Just let them be, babies. Don’t mind them, you know naman that they’re like dog and cat,” nakatawang sabi niya sa mga anak. “Where’s your daddy?” dugtong niya.
“Uy, mommy… She’s missing daddy,” tukso sa kanya ni Steva, mukhang namana yata ang pagiging pala-tukso ng kaibigang si Sophia. Malaking problema kung ganoon.
“I’m here, sorry pinaghiwalay ko lang yong dalawa. Baka magkapatayan na,” bungad sa kanya ng butihing asawa habang patawa-tawa.
Napabuntong-hininga siya. “Hay naku, yang dalawa talaga ang sarap pag-untugin ang ulo. Aba’y malapit ng magkaanak nag-aaway pa rin,” litanya niya.
“Pabayaan mo na, ganun lang talaga magmahalan ang dalawang ‘yon,” pagbara nito sa kanya. “Oh! Who wants to hop in on the chopper? The weather is nice and we can easily see the whole island above the sky,” sabi nito. Nagsabay na nagsabi ang dalawang makukulit ng: “Me!” Nakisali siya sa kakulitan ng mga anak at nagsabi rin ng me habang pinalilibutan ang nakangiting si Steven.
“Okay, lets go.” anito at masaya silang apat na pinuntahan ang kinaroroonan ng chopper at sumakay dito. At katulad ng nasa mga fairytale… They Live happily ever after.
THE END
No comments:
Post a Comment