Nakatingin si Steven sa kausap pero ang isip naman niya ay hindi nakatuon sa mga sinsabi nito. Iniisip niya ang babaeng nakabangga kanina. There was something about that girl that reminds him of someone, even though the looks and the body physiques were so different. Her voice and eyes are so much alike of Ava— his first love na kahit pangit ay nahulog pa rin ang kanyang puso dahil sa taglay nitong kabaitan.
‘Steven your imagining things again! You’re paranoid and obsessed with your first love. Ilang beses mo na bang napagkamalan ang mga ibang babae na si Ava huh?’ litanya ng isip niya.
Naalala pa rin niya ang mga pagkakataong magkasama silang dalawa noon at ang una nilang pakikita…
NAGMAMADALI ANG LABING-LIMA NA TAONG GULANG na si Steven noon dahil late na siya sa kanilang praktis. Nang may makita siyang isang babae na may ginagamot na isang pusa na sa tingin niya ay nasagasaan marahil ng bike. Mataba at puno ng pimples ang mukha nito pero hindi masasabing panget dahil kapag pumayat ito at nawala ang mga pimples ay sigurado siyang napakaganda nito. At saka para kasi sa kanya, walang taong panget sa mundo… lahat ng mga tao ay may kanya-kanyang kagandahan…
Simula noon ay ilang beses niya ng nakita ito. Sa tuwing nakikita niya ito ay tinutukso ito ng mga kapwa estudyante tungkol sa hitsura nito, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito lumalaban, nananatili itong tahimik. Humanga siya sa taglay nitong katatagan. Until one day, nakita niya itong inaapi muli ng mga kamag-aral.
“Do you think we’ll stop after what happened the other day huh?” boses ito ni Aaliyah.
“Yeah and because of you we got into trouble! And you’ll pay for it” segunda ni Camille at pagkatapos sinugod ang kawawang babae- si Ava Hernandez. Tinulungan naman ito ng nakakabatang kapatid. Walang nagawa si Ava kundi yakapin ang sarili.
“Camille, Aaliyah, please stop,” hindi nito sinasadyang maitulak si Aaliyah na dahilan upang matumba ito. Nangangalaiti sa galit si Camille sa nangyari sa kapatid, itinaas nito ang kamay para sampalin ito.
“Stop already Camille and Aaliyah!” maawtoridad na utos niya. Tumingin ang tatlong babae sa kanya. Sina Camille at Aaliyah ay tinakasan ng kulay ang mukha. Kinuha ni Camille ang kamay mula sa kanya at tumakbo papunta sa kapatid upang tulungan itong tumayo. Tumakbo na ang dalawa palayo doon.
“Hey, you two come back here!” akmang hahabulin niya ang dalawa ngunit hindi nangyari dahil pinigilan siya ni Ava.
“Let them pass.”
“But-” hindi na siya nakatapos ng unahan na siya nito ng mahinang ‘please’. “Are you alright?”
“Yeah, thanks to you,” ngumiti ito. Mula noon ay naging magkaibigan silang dalawa. Bawat oras na magkasama sila ay masaya, mas nakilala niya ang pagkatao nito. Hanggang sa ma inlove siya dito, hindi niya alam kung paano, kung kailan nangyari ‘yon. Basta nagising nalang siya isang araw na mahal niya na ito. He fell in love with her, like no beautiful girls did.
Back to present..
“Steven, are you with me? Aba’y kanina pa ako nagsasalita dito ah.” wika ng kanyang nakakatandang kapatid na si Simon. Dalawa lang silang magkakapatid, si Simon na dalawang taon ang agwat sa kanya at siya. Ito ang tagapagmana ng mga negosyo ng ina nila at siya naman sa mga negosyo ng kanilang ama.
“Sorry kuya Simon. May naalala lang kasi ako” hinging paumanhin niya rito.
“Steven, It’s not good to think of other things, when you’re in a middle of a meeting. Kung ibang tao lang ako at importanteng kliyente pa, you won’t close the deal and it might put your company at edge.” litanya nito. Hay, kahit kailan talaga napakadictador ng kanyang kuya Simon bukod sa pagiging perfectionist nito. Hindi na siya nagtataka kung bakit hinihiwalayan ito ng mga nagiging girlfriends dahil kahit ang pananamit, pagsasalita at pagkilos ng mga ito ay pinupuna ng kanyang kapatid.
“I’m really sorry bro. I promise it won’t happen again.”
“That should be.” bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. “I guess I have to repeat it again, but please Steven listen carefully and focus.”
“Okay bro.”
KASALUKUYANG NASA RESTAURANT SINA AVA, SOPHIA AT ALYSSA. Nagkwentuhan sila sa mga pangyayari sa kanilang mga buhay simula nang umalis si Ava sa Pilipinas.
“So, Av… How’s Europe?” panimula ni Alyssa, sa pormal na paraan.
“Common, Al. Stop the formality. It’s just Ava you know. She’s not a client or something.” saway ni Sophia kay Alyssa. Kahit kailan talaga, PRATAKRAY ‘tong babaeng to as in prangka, taklesa, mataray.
‘Hay, good luck nalang talaga kay Rex’ natatawa niyang sabi sa sarili.
“Sorry” ang tanging nasambit ni Alyssa.
Ngumiti siya. “You don’t have to Al. Hmm, my stay in Europe? It’s great! I manage to grow and develop my career. And——–” ‘I finally moved on from the heartaches that Steven cause?’ pero mas naging tanong to kaysa pahayag sa kanyang sarili
Tila nabasa naman ni Sophia ang nilalaman ng kanyang isip. “And what? That you’ve already move on from Steven?”
“Sophia! Stop it. Ano ka ba?!” saway ni Alyssa. Isang malakas at malutong na halakhak lang ang naisagot ni Sophia. Paano kaya naging mag-childhood best friends ang dalawang to? Sobrang magkaiba ang dalawa. Si Sophia ay madaldal, si Alyssa naman ay hindi. Si Sophia ay isip-bata, si Alyssa naman ay napakamatured mag-isip. Si Sophia ay napakaseksi manamit, si Alyssa naman ay simple lang.
“Yeah” pagsang-ayon niya.
“I don’t think so my dear. As far as I observed from your reaction earlier, you haven’t moved on yet. You still love him. You’re still head over heels in love with him.” buska nito. Dinaig pa talaga nito si Kris Aquino sa pag-usisa at pagiging prangka.
Ang hindi nila alam naririnig ni Steven ang pinag-uusapan nilang tatlo. Kanina ng papaalis na sana siya ng restaurant ay narinig niya ang malutong na halakhak ni Sophia kaya naalala niya na may kailangan pa pala siya rito. Papalapit na sana siya sa kinaroroonan ng table nila Sophia nang mapahinto siya nang marinig ang pangalang Ava. Nagtago siya sa isang sulok na hindi siya makikita ng tatlo. Nang marinig na niya ang tinig ng kanyang first love ay sumilip agad siya at napanganga siya. His right after all! That woman he bumped into earlier is really Ava. Oh how he missed this girl so much! How he want to embrace her so tightly, but he have to control his self because he still want to hear what Ava will say. He wants to know if she really feels that way towards him.
“My god Sop! Do you think I’ll still love him after all the heartaches and pains he had caused me? I hate him! I hate him from the deepest core of my heart! Loving that judgmental guy, almost a decade ago was the biggest mistake I have ever done!” asik na pahayag ng dalaga na kinontra naman ng sobra ng kanyang puso.
Akmang hihirit pa sana si Sophia nang matigilan ito nang tinapunan niya ito ng isang masamang tingin. Nagkibit-balikat na lang ito at iniba na lang ang topic ng kanilang pinag-uusapan. Samantala, si Steven naman ay bagsak ang balikat na lumabas ng restaurant at pumunta sa kanyang kotse para umalis na ng lugar.
Habang lulan ng kotse niya ay paulit-ulit na nag-rerewind sa kanyang isip ang mga ma-aanghang na mga salita na binitiwan ng babaeng minamahal. Masakit sa kanya ang narinig mula rito. Nagsisimulang mamasa ang kanyang mga mata ngunit pinigilan niya ang sariling tuluyang ma-iyak. May isang bagay lang siyang ipinagtataka, bakit ganun na lang ang galit nito sa kanya? Wala talaga siyang maalalang ginawa niya noon upang ikagalit nito, napakabuti ng pakikitungo niya noon dito. Pero isa lang ang malinaw sa kanya kahit kinamumuhian siya nito ay hindi pa rin niya isusuko ang pagmamahal dito.
Nahawa na yata siya sa kakulitan at mapagpursige ni Rex na makuha ang gusto by all means. Ito pa kayang kaibigan niya na hindi sumuko sa pagsungkit noon kay Sophia kahit sa kabila ng pagiging prangka, taklesa at mataray ng babae—siya pa kaya?
‘Woohoo! That’s the spirit dude! What Steven Sandoval wants, he gets!’ mayabang na wika niya sa kanyang isip.
“AV, YOU’LL COME TO THE SCHOOL REUNION tomorrow night,right?” tanong ni Alyssa sa kanya.
“Of course!”
“Good! So, bukas ng umaga sabay tayong mamili ng damit at sapatos, okay?” ani Sophia.
“Okay. At sa kaibigan ko na lang na designer tayo mamili. She has a boutique at ayala,” tugon niya sa excited na paraan. Matagal na rin niyang hindi na kikita ang kaibigan niyang iyon, mga 3 months na rin nang huli silang magkita. Umuwi kasi ito ng Pilipinas 3 months ago dahil pinauwi ito ng mga magulang nito. Noon ngang huli nilang pag-uusap sa telepono, ikwinento nito na nagbukas ito ng isang boutique sa ayala.
KINABUKASAN pumunta nga ang tatlo sa boutique ng kaibigan ni Ava na si Nicole. Si Nicole ay nakilala niya noon sa Europe sa isang party ng kaklase niya na nagkataon naman na kaibigan din nito. She can tell that Nicole’s personality is quite unique. Palaban, mataray at prangka ito kapag inaway at inaagrabyado mo. Pero kung magiging kaibigan mo naman, ito ay napakamapagbigay, napakamatulungin at napakabait.
Pagpasok pa lang nila ng boutique ay sinalubong sila agad ni Nicole. Ipinakilala niya sina Sophia, Alyssa at Nicole sa isa’t isa at tulad ng inaasahan niya ay nagkasundo at nagkapalagayan agad ng loob ang mga ito. Nagdaldalan na nga tungkol sa balat ni Nicole, kung ano daw ginagamit nito na sabon at kung anu-ano pa at siyempre si Sophia ang pasimuno. Nang tapos na sa pagtatanong ni Sophia ng kung anu-anong mga bagay kay Nicole ay inaya na sila nito sa lugar ng mga pang-formal attire.
“Wow. Bonggang-bongga naman ng mga designs mo Nicole” hangang-hangang wika ni Sophia dito.
“Oo nga. At ang gaganda pa ng mga gawa mo.” tugon naman ni Alyssa. Hindi niya masisisi ang dalawang kaibigan sa paghangang ipinupukol sa mga gawa ni Nicole. Bawat isang damit kasi ay may iba’t ibang ganda at unique din dahil hindi mo talaga makikita ang gawa nito sa gawa ng ibang mga designers. Hindi na talaga siya nagtataka kung bakit isa ito sa mga famous designers sa buong mundo.
“Thank you. Pili lang kayo diyan. And you don’t have to pay. Libre na.” nakangiting wika ni Nicole sa kanila.
“Nicole naman, we’ll pay na lang. Malugi ka pa niyan eh.” angal ni Ava sa alok ng kaibigan.
“Ava, no worries hindi ako malulugi. Let’s just say it’s a gift from a friend”
Umiling siya. “Baka kasi—” hindi niya na natuloy ang sasabihin pa niya sana ng magdrama na ito.
“Please, just let me do this okay? Huwag ka ng tumanggi okay? Nakakasakit kasi ng ego eh,” maktol nito.
“Sige na nga, but as payment ipagbebake na lang kita ng chocolate cake. Di’ba its your favorite?”
“Wow! Okay, namimiss ko na rin yung cakes mo eh”
Pagkatapos nilang namili ng damit ay nagpaalam na sila kay Nicole at nagpasalamat at pumunta na sa tindahan ng mga sapatos. Umuwi naman sila agad pagkatapos, para makapaghanda na.
No comments:
Post a Comment