Wednesday, 13 April 2011
Beauty is the Beast -CHAPTER 6-
Nagising si Ava kinabukasan nang maramdaman niyang may tumapik-tapik sa kanyang braso. Tinatamad na napabalikwas siya ng bangon.”Good morning YAM,” nakangising panimula ni Steven. Dahil wala pa yata ito sa sariling wisyo ay sinuklian siya nito ng ngiti. ‘Ang ganda talaga ng honey, my loves, so sweet ko! Sana palagi nalang siyang bagong gising para palagi niya akong ningingitian at hindi tinatarayan,’ bulong ni Steven sa sarili
“Good morning din, yam!” humikab ang dalaga. Nabitin sa ere ang kamay nitong itatakip sana sa bibig nang may ma-realize itong bigla, “Y-YAM??!” tanong nito na nakakunot ang noo.
“Yup! YAM… meaning you are mine,” sabi niya na ini-emphasize ang huli. Nakita niyang tumaas ang kilay nito. Uh-oh, nandito na. Tatarayan na naman siya nito.
“You are mine?! Who gave you the right to call me that stupid endearment? At kelan mo pa ako naging pagmamay-ari aber? Hoy, Mr. Steven Sandoval, you don’t own me okay? and you’ll never will!” pagtataray nga nito.
‘Ouch! Ang sakit nun ah, parang sinagasaan yata ng isang libong dump truck ang puso ko,’ hinanakit na sabi niya sa kanyang isip. ‘O ano Steven, susuko ka na ba? Rinig na rinig mo naman siguro yung sinabi nya sa’yo hindi ba? It will never will… nangangahulugang hinding-hindi ka niya magugustuhan!’ pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya. ‘Hindi ako susuko ng dahil lang doon nuh! At saka natututuhan namang mahalin ang isang tao ah. Mamahalin niya ako, makikita mo. Habang may buhay, may pag-asa,’ sagot niya dito.
“Hey! May kausap ba ako? Tama bang tulugan ako ng gising. Wake up!” sita nito sa kanya , na nakagising sa kanyang natutulog na diwa.
Agad naman niyang nahamig ang sarili at sinagot ang pagtataray nito- “I gave permission to myself. Since when you ask, since the day you were born in this world. We are meant for each other, YAM… tayo ang itinakda para sa isa’t isa.”
“Abat talagang—” hindi na nito natapos ang sasabihin nang subuan niya ito ng pagkain sa bibig. Bunga ng kagandahang asal ay hindi muna ito nagsalita. Ninguya nito ang pagkain at nilunok. “Who cook this? Ang sarap ah.”
“Ako ang nagluto niyan tayong dalawa lang naman ang narito e. Salamat naman at nagustuhan mo. Di’ba paborito mo yan? If my memory serves me right,” anito at ngumiti.
“Oo paborito ko nga ang chicken curry. How did you know? Sinabi ba sa’yo ni Aling Lucy o kaya naman nila Sophia at Alyssa? Marunong ka palang magluto? Dati rati hindi naman ah.” sunod-sunod na tanong nito.
“Okay ang sagot ko sa first question ay… ikaw mismo ang nagsabi nun. Sa ikalawang tanong naman, oo marunong akong magluto dahil noong pumunta ka sa Europe na-isip kong magpaturo kung paano magluto sa kaibigan kong chef. Para pag naging mag-asawa na tayo, ako na lang ang magluluto. Nag-aral na rin akong mamalantsa, maglaba, magwalis, magsibak ng kahoy at kung anu-ano pang gawaing bahay para hindi ka mahirapan kapag naging Mrs. Steven Sandoval ka,” mahabang paliwanag nito na pangiti-ngiti pa.
Na-touch si Ava sa naging pahayag ni Steven. Imagine! Pinag-aralan pa talaga nito ang lahat ng iyon, para lang sa kanya.? ‘Ayieh! Kalurkey itech! May magiging houseboy/husband na ako. At ang gwapo-gwapo pa! ‘Wag ka namang ganyan Steven. Humahaba pa lalo hair ko eh, baka hindi ko na matali… ang init-init pa naman ng world ngayon. Wehehe, pwede ka na rin bang taga-gupit?’ kinikilig na usal ng dalaga sa sarili.
“Huh? Taga-gupit?” kunot-noong tanong nito. Oops! ‘Di niya pala namalayan na naisatinig ang huling sinabi niyang pangungusap.
“Wala. Ang sabi ko mag-gupit ka nalang dun ng papel o kaya ng mga halaman dun sa ibaba para may magawa ka naman. Hindi itong ako ang kinukulit mo,” pagmamaang-maangan niya.
“Ahh okay. Ui! Ano yon?” itinuro nito ang bandang kaliwa. Takang sinundan niya ang itinuro nito. Nagulat nalang siya nang may humalik sa kanyang pisngi. ‘Aba, loko-loko to ah. Pwedeng makahirit ng isa pa? Hahaha!’ tila nabasa naman nito ang iniisip niya. Ang binalingan naman nito ng halik ay ang kanang pisngi niya.
“Pwede sa lips?” hirit pa nito.
Hinampas niya ito ng unan, sabay sabi- “Tse! Umalis ka nga! Ang aga-aga bwenubwesit mo ako,” singhal niya dito.
“I’VE GOT TO LET you know I feel so weak without your touch… I never thought that I could ever love a man so much… I’ve gotta let you know I think that we are destiny… For you I’d cross the world for you…I’d do anything.” kasalukuyang nasa kusina si Ava. Kinakanta niya ang kanta na isa sa mga paborito niya ang ‘Goin Crazy’ by Natalie.
“Naks! Ang sweet-sweet naman ng kanta mo para sa akin yam. I feel the same way too,’” napapitlag siya ng marinig niya ang ang boses ni Steven mula sa likuran niya at walang sabi-sabing niyapos siya mula sa likod. At ayun na naman, nagiging etchuserang palaka at umeepal na naman ang walang hiyang puso niya. Kumakabog na naman ng bongga.
“Ang bango mo naman yam. Parang fried chicken ng Jollibee, ang sarap kagatin. Nakakagigil!”
Sa wakas nakahuma na rin siya mula sa pagkakagulat. “Kung ibuhos ko kaya tong mainit na tinola sa’yo? Bitawan mo nga ako, naaalibadbaran ako sa’yo. Ang baho-baho mo! Ewwiness! Maligo ka nga, ang pawis-pawis mo,” talak niya dito. Nilukot pa niya ang kanyang ilong para maging kapani-paniwala. She didn’t really mind if he smells. Nagpapacute lang naman siya dito. Kahit maligo ito sa pawis, kailanman ay hindi ito nag-aamoy pawis. He always smelled nice.
“Anong ang baho? Oy, ang bango-bango kaya ng pawis ko, parang perfume,” tumatawang binitawan siya nito. Strange… dahil sa tuwing nakakarinig siya ng tawa na may halong pang-iinis na katulad nito ay naiinis na siya. Pero iba ang kay Steven dahil ang tawa nito ay tila isang napakagandang musika sa kanyang pandinig… isang musika na gusto niyang marinig ng paulit-ulit.
“Luto na ba ito, yam?” pang-iiba nito sa usapan. Tumango lamang siya bilang tugon. “Tamang-tama gutom na ako. Kakapagod mag-ehersisyo. Pawis na pawis tuloy ako.”
Napatanga siya ng hubarin nito ang suot na T-shirt sa harapan niya mismo! Napalunok siya, nakakapugto ng hininga ang dibdib nito na kay kisig, mga muscles na nasa mga tamang lugar, at ang six pack pandesal este abs nito ay parang kaysarap hawakan. Olala~ ‘Ang swerte naman ng makaka-ano nito… makakayakap, yun! Pwede kayang mag-apply? Ako nalang, available ako,’ pati siya ay napapatawa sa nagiging takbo ng iniisip niya.
“Hey, what’s with that wicked smile? May iniisip kang hindi maganda nuh? Yay! Nakakahiya ka Ava”
“Ang laki mo talagang ewan! Baliktarin ba naman, ikaw nga tong may iniisip na hindi maganda eh. May pa hubad-hubad ka pang nalalaman diyan. Are you seducing me?” balik bintang niya dito kahit na sa kaibuturan ng puso niya ay gusting-gusto na niya itong lapain.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment