Wednesday, 13 April 2011
Beauty is the Beast -CHAPTER 5-
“O HUWAG MONG SABIHIN NA NAMISS MO AGAD AKO. Ilang minuto lang naman tayong naghiwalay ah.” panimula ni Steven nang makita si Ava mula sa likuran niya. Kakatapos lang ng pag-uusap nila kanyang ama tungkol sa pansamantalang pamamalakad ng kompanyang itinayo niya. Pumayag naman ito kahit na matagal na itong nagretiro.Inirapan siya nito. “Huwag ka ngang feeling diyan ang kapal ng mukha nito. Sipain kita diyan eh”
“Hindi ko alam na kabayo ka na pala ngayon, Ava?” pang-iinis niya dito. Kahit dapat niyang tratuhin ito ng puro magaganda dahil gusto niyang magustuhan siya nito. ‘Yun bang mag ka-pogi points siya dito. Pero hindi mapigil ni Steven ang sariling hindi matuwa sa pang-iinis sa dalaga. Sa paningin niya’y lalo itong gumaganda sa tuwing nagagalit ito.
Tinignan siya nito ng masama. Kitang-kita niya sa mga mata nito na gusto talaga siyang sipain. Hindi lang iyon kitang-kita niya din ang pagnanais nito na sampalin at tadyakan din siya. Nang akmang lalapitan siya nito ay tumakbo agad siya palayo.
“Hoy! Higanteng tipaklong, bumalik ka rito!” narinig niyang sigaw nito. Pumihit siya paharap dito.
“Bleeh. Ayaw ko nga, alam ko na ang plano mo nuh.”
“Steven! Pagnahuli kita, lagot ka talaga!”
At ang dalawang matanda, bumalik sa pagkabata. Halos malibot na nga ang buong bahay. Takbo dito, takbo doon ang drama ng dalawa.
Inis na inis na talaga si Ava. Kanina pa siya habol ng habol sa higanteng tipaklong na ‘yon pero hindi pa rin niya ito mahuli-huli. Sa tuwing malapit na siya dito, doon naman ito pumipihit ng takbo. Ang bilis talagang nitong tumakbo. Nasapo niya ang kanyang noo. “Abay oo! Basketball player pala ang ungas!” naibulong niya sa kanyang sarili.
“O ano na? Bakit ang kupad yata ng kabayo? Ano ba naman yan!” pang-iinis na naman nito sa kanya. Nag-pantig ang kanyang pandinig. At ramdam niya na tila tumaas ang blood pressure niya sa sinabi nito. Hinubad niya ang kanyang heels at pinunit ang kanyang damit hanggang tuhod. Masyado kasi itong sagabal sa kanyang pagtakbo. Pagkatapos ay agad niyang hinabol ulit ang binata.
Laking tuwa niya nang sa wakas ay nahuli na rin niya ito. Nahawakan niya ang dulo ng manggas ng pulo nito at buong lakas na pinaharap ito. Ngunit nang dahil sa ginawa niya ay na out balanced tuloy silang dalawa na sanhi ng pagbagsak nila pareho sa sahig at di sinasadyang naglapat ang mga labi nila. Nanlaki ang mga mata ni Ava samantalang ang loko-loko mukhang nasisiyahan pa yata sa nangyayari. Naramdaman ni Ava ang tila kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa.
‘Ava! What the heck happened to you?!’ sita ng isip niya. Parang napapasong dali-dali siyang tumayo. Inilahad niya ang kamay dito at muli na namang tila may kuryente siyang naramdaman.
“Oy! Natulala ka yata. Alam ko, alam ko… gwapo ako, kaya—” ang kapal talaga ng mukha! Ang kanyang pagkatulala ay napalitan ng inis dahil sa tinuran ng higanteng tipaklong.
“Ouch! Ouch! Ouch! Ava, tama na.” daing nito. Pinagkukurot niya kasi ito.
“Tama lang yan sa’yo ang hangin mo kasi!” aniya na patuloy pa rin sa pagkukurot dito. Nang may naalala siya ay tumigil na siya sa pagkukurot. “Ah nga pala ano susuotin ko habang nandito ako?”
“Uhm nasa aparador ng kwartong tinulugan mo kanina. Nandoon na lahat yung damit pambahay, pangtulog mo at—” isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Bigla siyang namula, alam na niya kung ano ang idudugtong nito.
“Alam ko na. Huwag mo nang sabihin kundi makakatikim ka talaga.” pagbabanta niya dito. “Hindi naman halata na masiyado kang prepared nuh? Wait! How come may mga damit pampalit na ako? Don’t tell me you plan this all along!”
Napakamot ito habang ngiting-ngiti. Ang cute nitong tignan. ‘Hmm, sarap halikan Av?’ tudya ng isip niya.
“Uhm, uhm.. well let’s just say na may mga kakuntsaba ako.” pagpapacute nito.
Kahit hindi na nito sabihin kung sinu-sino ang mga kakuntsaba nito ay may hinala na siya kung sino ang mga salarin. ‘Pagnakauwi ako lagot talaga kayo. Makakatikim kayo ng bonggang-bongga.’
KANINA PA, PASIKOT-SIKOT NG BAHAY SI AVA. Naghahanap siya ng maaaring maging daan upang makatakas siya. Pero ang problema ang laki-laki ng bahay kaya natatagalan siya sa paghahanap. Lahat ng mga bintana ay nakalock pati ang main door at back door. “Kainis naman oh! Hindi ako gumising ng madaling araw para lang sa wala!” nakangusong maktol niya.
May nakita siyang isang glass door. Nilapitan niya ito at nagbabakasakaling pinihit ang door latch. Nagliwanag naman ang kanyang mukha dahil sa wakas makakatakas na rin siya mula sa pagkakakidnap sa kanya. Ang tanging problema na lang niya ay kung paano makakaalis sa isolated island na iyon, kung! Nasa isolated island nga sila.
Dahan dahan siya sa paglalakad para hindi makatunog si Steven sa tangkang pagtakas niya. Pero laking dismaya niya nang makita ang mga pader, ang taas kasi nito para maakyat niya. Napabuntong-hininga siya, luminga-linga siya, sa pagbabakasakaling mahanap ng solusyon sa paligid. Hindi naman siya nagkamali dahil may nakita siya ng isang puno ng isang mangga. ‘Wooh! Thank you lord! Your so kind talaga.’
Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng puno. Inakyat niya ito at nang paakyat na sana siya sa ikatlong sanga ay nagulat nalang siya na may bumuhat sa kanya pataas. Nang linguin niya ito ay mas nagulat siya nang makita ang seryosong mukha ni Steven.
“Where do you think your going?”
“Put me down will you!” sabi niya dito na nagpupumiglas.
“Akala mo siguro makakatakas ka nuh? Huh! Well you’re wrong about that,” at pinasan siya nito sa balikat na para lang siyang isang sako ng bigas. Saka naglakad ito papunta sa loob ng bahay. Habang siya ay patuloy pa rin sa pagpupumiglas at pinag-iibayo pa niya ito sa likod. Pero tila bakal ang likod nito hindi man lang nasaktan sa kanyang ginagawa.
Maingat na paupong binaba siya nito sa one-seater na sofa. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang dulo. “Again, let me ask you, where do you think you’re going?” pag-uulit nito.
“To a safe place! I don’t know where I can find it basta sa lugar na hindi mo mararating!”
“The safest place for you is right here with me, honey” pahayag nito. Tumalikod ito at naglakad papunta sa glass door. “I’m warning you; don’t try to run away again. If you don’t want me to guard you every now and then. Kasama na ang pagbabantay ko sayo hanggang sa pagtulog which means I’ll be sharing a room with you. So, if you want that to happen you’re very much welcome to run away again. Oh! You can do it right now if you really wanted to be with me that much.” inilahad nito ang mga bisig papunta sa labas. “The door is widely open” dugtong nito at ngumiti ng makatamis-tamis.
“N-no way! I d-don’t wanna share a room with you nuh! I can’t e-even stand being close to you even for a second. What’s more pa kaya kung buong magdamag. Over my dead gorgeous sizzling hot, sweet and spicy body!”
Hindi nito pinansin ang kanyang mga sinabi bagkus ay isinara nito ang glass door.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment