Thursday, 14 April 2011

Beauty is the Beast -CHAPTER 8-

Huminga muna siya ng malalim upang humugot ng sapat na lakas ng loob upang masabi rito ang sakit na naramdaman niya noon. Ang dahilan kung bakit galit na galit siya rito.”March 25, two days before graduation at exactly 5:15 pm. I heard everything you and your friends were talking about…”





Bigla’y parang rolyo ng isang lumang pelikula ang pag-flash back ng alaala sa utak niya. Mga ala-alang pilit na niya sanang kinakalimutan.



Ten Years Ago…



Naglalakad sila Ava, Sophia, at Alyssa papuntang tambayan nila nang biglang may marinig silang boses ng mga lalaki na nag-uusap. Plano sana nilang balewalain ito pero may sinambit na isa sa kanila ang isang lalaki.



“Si Ava? What’s wrong about her?” sabi ng boses ng lalaki na kilalang-kilala niya.



Huminto sila sa paglalakad. Nagtago sila sa isang sulok at nakinig sa usapan. Alam nilang mali ang makinig sa usapan ng ibang tao ngunit hindi nila maiwasang ma-intriga sa kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito.



“We just notice lang kasi Steven that your, maybe…” huminto sa pagsasalita ang isang pang lalaking halatang binibitin ang usapan.



“Maybe what?” nagtatakang tanong ni Steven sa kaibigan.



“…that maybe your developing some feelings for that ugly girl” natatawang wika nito.



Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Rex. Imagine si Steven Sandoval ang napaka-guwapo, napaka-talented, isa sa pinakamatalino sa kanilang school, ang captain ng basketball team nila at ang tagapagmana ng isang kilalang kompanya ay may gusto sa isang pangit na si Ava Hernandez? Oo nga’t magkasingyaman lang ang pamilyang Hernandez at Sandoval pero napakapangit ni Ava at hindi ito bagay kay Steven. Isang napakalaking kalokohan!



Nasaktan si Ava sa narinig, alam niyang siya ang tinutukoy at iniinsulto ni Rex. Gusto niyang tumakbo para makalayo doon pero hindi niya magawa dahil hinihintay niya ang sasabihin ni Steven.



Ilang minuto ring hindi nakasagot si Steven. Nag-iisip muna ito ng isasagot sa kaibigan. Nang may maisip marahan itong tumawa.



“My God pare, what made you think that I like her? Sa’yo na nga nanggaling na pangit siya, even in my dreams hindi ako magkakagusto sa kanya, sa gwapo kong to? Itatambal niyo ako sa isang ugly duckling? woah! woah! woah! Nasisiraan ka na ba ng ulo Rex?” pagtangi nito.



“OO nga pala. ” tumawa ng malakas si Rex habang kinakamot ang ulo at nagtawanan din ang mga kaibigan niya pati siya.



“Ano ba pareng Rex, we’re talking about Steven Sandoval here!” sabi ng isa niyang kaibigan.



“Yeah, I totatally agree about that.. But I object about the nasisiraan thingy, I can assure you all I’m mentally fit!” pahabol pa nito…



Naiintindihan na ni Steven kung bakit galit na galit si Ava sa kanya. Masakit sa loob niya noon ang mga sinabi tungkol sa dalaga, pero kailangan niyang gawin upang maprotektahan ang reputasyon niya, makasarili mang maituturing.



“Ava, I can-” sinubukan niyang magpaliwanag rito pero agad nitong pinutol ang anumang sasabihin niya.



“Don’t try to explain dahil hindi naman kita papakinggan at paniniwalaan,” sabat nito. Nakita niyang tumulo ang mga luha mula sa mga abuhing mata nito. “Alam mo ba kung ano ang nangyari nang pumunta ako sa Europe, hah? I was caught in a tremendous traumatic state, Steven! Halos isang buwan rin akong nagkulong sa kwarto… laging umiiyak at takot lumabas. I’m scared that people who would see my face will just judge me the way you did. Dahil alam kung walang lugar sa mundong ito ang isang beast na katulad ko! Kahit sina mama at papa ayaw kong makita dahil batid kong isa rin sila sa mga taong iyon.”



Naiiyak na rin si Steven. Gusto niyang suntukin ang kanyang sarili. Hindi niya inakala na nasaktan niya ito ng sobra, na hindi lang pala siya ang nagdurusa sa mga panahong nawala ito sa piling niya. Nagkaroon ito ng isang malaking sugat sa puso dahil sa kanya. If only he could turn back time, he wouldn’t have said those awful things… if only.



“I’m sorry if I have caused you so much pain. Believe me Ava, what I said at that time were all lies. I have loved you ever since. Your looks didn’t matter to me,” itinuro niya ang puso nito, “You have a good heart, that’s why I fell in love with you and good looks weren’t important for someone who is truly in love.”



Pero sadyang sarado na ang isip nito, dahil tuluyan nang naghari ang poot at galit nito sa kanya. Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad papunta sa loob ng bahay.



“Ava!” tawag niya dito. Kailangan niyang sumugal alam niyang dahil sa gagawin niyang ito ay may posibilidad na tuluyan na siyang kasusuklaman nito o kaya naman ay malaman niya mismo dito kung ano talaga ang nararamdaman nito sa kanya.



Huminto naman ito at lumingon. “What?” galit na sagot nito.



Paglingon ni Ava ay nakita niyang nasa may gilid ng pool si Steven. “Marunong ka bang lumangoy?” seryosong tanong nito sa kanya.



Nagdikit ang kanyang mga kilay sa tinuran nito. Kahit naman siguro bata ay marunong lumangoy, siya pa kaya? “Oo, Why?” sabi niya sa galit na boses pa rin.



“Ako, hindi eh” sabi nito at parang tangang nagpatihulog sa pool. Sino naman ang inuuto nito? Naging member kaya ito ng swimming club noong elementary ito. Pinagsaklop niya ang mga braso at pumunta malapit sa pool.



Lumipas ang isang oras, hindi pa rin umaahon ito sa tubig. Ang malaking katawan nito ay nakalutang pa rin. Nagsimula na siyang mangamba. Nagpapanic na siya at ang galit na mukha kanina ay napalitan ng pag-aalala.



“Hoy, Steven! ‘Wag ka namang magbiro ng ganyan oh!” hysterical na sabi niya. Nang hindi pa rin ito gumagalaw ay nagpasya siyang lumusong na upang sagapin ito.



“Steven!” sigaw niya, nang maahon na niya ito sa tubig at naihiga sa gilid ng pool. Hindi ito sumagot kaya wala na siyang magawa kundi i-mouth-to-mouth-recitation ito.



Kumuyom ang kaliwang kamao niya ng gumalaw ang mga labi nito. Ang walang hiya, hinahalikan na siya. Agad siyang tumayo nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryenteng unti-unting gumagapang sa kanyang katawan.



“You don’t really hate me, Ava. You’re just avoiding me because you’re scared. Natatakot kang baka ginagawa ko ito dahil maganda ka na ngayon. But Av, tulad ng sinabi ko, minahal na kita noon pa kahit ganun ang hitsura mo.”



“What are you talking about?” pagmamaang-maangan niya. Hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng mga pisngi sa mga sinabi nito.



“Huwag ka ng magkaila, yam, or else I’ll shut you up with a kiss. You don’t know how much I yearn to taste your lips again.”



“It is not!” malakas na tanggi niya.



“It is.” Humakbang ito palapit sa kanya. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa dalawang palad nito pagkatapos. Bago pa niya maitulak ito ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. Matamis at mapusok iyon— dahilan upang mawalan siya sa kanyang katinuan at tinugon ang mag halik nito.



Hindi na niya namalayan ang mga sumunod pang pangyayari. Natagpuan nalamang niyang nasa ilalim siya ng matipunong katawan ng hubad baro na si Steven habang yakap-yakap siya at sinisiil ng halik.



“S-steven, no…please” pagmamaka-awa niya dito ng tila mahimasmasan



“Please what?” mapanuksong tanong nito sa puno ng kanyang tenga habang ang kamay ay unti-unting gumagapang pataas sa kanyang bilugang hita. Napaliyad si Ava sa sari’t saring emosyong nararamdaman.



Para siyang mawawala sa katinuan ng ang mga halik nito ay gumapang pababa sa kanyang dibdib. Hindi niya napigilan ang sariling mapa-ungol sa pagragasa ng sensasyon. Hanggang sa tuluyan na rin siyang nawala sa katinuan at sumama kay Steven sa nais nitong marating.



DALAWANG ARAW na ang nakalipas mula nang may mangyari sa kanila. Simula noon ay iniiwasan na niya si Steven. Sa tuwing nilalapitan siya nito ay agad naman siyang lumalayo. Pag kinakausap o kaya ay tinatanong siya nito ng bagay-bagay ay tipid lang ang sagot niya. Hindi lingid sa kaalaman niya na nasasaktan ito sa mga ginagawa niya.



Ngayon nga ay nasa kanyang silid siya dahil ayaw niyang makita ito.



“Steven, darling!” sabi ng isang boses babae. Kumunot ang noo niya, di kaya ay namamaligno siya? Pero ng may kumatok sa kanyang pinto at tinawag ulit ang pangalan ni Steven ay nakumpirma niyang hindi lang silang dalawa ng loko ang nasa villa.



Tumayo siya at pinuntahan ang pinto upang buksan. Pagbukas niya ay agad tumambad sa kanya ang isang matangkad na babae na may napakaamong mukha. Mas mataas ito ng isang dangkal sa kanya, pero sa hula niya ay magkasing-edad lang sila nito. Ang gaganda ng mga mata nito na maitim na maitim. Malalantik ang mga pilik-mata nito na mas lalo pang nagpapagandang tignan sa mga mata nito. Nang mapadako ang tingin niya sa katawan nito ay parang nanliit siya— mas sexy ito sa kanya at mas malusog ang mga dibdib.



“Who are you?” nakakunot-noong tanong nito. Sasagot pa sana siya nang may magsalita sa kanilang likuran na agad nagpabaling sa kanilang mga tingin.



“Mariz! What are you doing here?” nagtatakang sabi ni Steven.



“Steven!” sigaw ng babaeng nagngangalang ‘Mariz’ at mabilis na sinugod ng yakap ang lalaki.



“Kamusta ka na?” kapag-kuwan ay tanong nito.



“I’m fine,” nakangiting sagot ng lalaki. Tumikhim siya dahil ayaw niya ang eksenang nakikita niya ngayon. Masakit sa mata. Agad namang humiwalay ang lalaki mula sa pagkakayap dito ni Mariz. “Oh, by the way Mariz, meet my best friend Ava. Ava, ito naman si Mariz, a special friend.” pagpapakilala nito sa kanila. Parang may naramdaman siya na kumukurot sa kanyang puso. Best friend lang? ‘Ano ka ba Ava! Eh best friend ka lang naman niyan eh. Kahit may nangyari sa inyo, hindi iyon nangangahulugan na mag-on na kayo. Naniwala ka kaagad na mahal ka ni Steven. Ang gagz mo! Ito na nga oh, yung special friend niya.’ sumbat ng utak niya.



“Hello! Nice meeting you, Ava. Salamat sa pag-aalaga mo dito kay Steven, habang wala ako ah? Alam mo kasi this guy can’t live alone without a single help from me. Ako nga pala si Mariz Anne Torres” nakangiting sabi ni Mariz at inalahad ang kamay sa kanya.



Pilit siyang ngumiti at tinanggap ang kamay nito. “N-nice to meet you too, I’m Ava Hernandez. Sige na ah, may gagawin pa kasi ako.” pagkakaila niya. Sa totoo ay wala naman talaga siyang gagawin, ayaw lang niyang makita si Steven kasama ang ibang babae. Pumasok na ulit siya sa loob ng kwarto niya. Narinig niya ang tawanan ng dalawa mula sa labas. Hindi niya napigilang umiyak, parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon.

No comments:

Post a Comment